>> (wag niyong paniwalaan ang nakalagay na oras sa post footer.. American time ata yan.. hehe)..
hindi pa ako nakakakain ng dinner (natagalan si Mommy sa pag-grocery niya ah!);
nakikinig ng Sitti songs;
at ilang milyong beses nang hindi nakaupo ng pirme sa upuang kinauupuan ko dahil sa kakulitan ni Red (my brother...).. GOSH!! nakaka-high blood na ang kakulitan nito.. kung hindi bubuksan ang ref (ayun, kakabukas lang oh!), maglalaro ng tubig sa lababo, magkakalat ng gatas at kung anu-ano pa!!
ilang milyong beses na nga kaming nagwrestling (kunwari) dahil sa berat-berat niya (tantrums)...
pero siyempre, kahiligan ang pinapairal. patuloy pa rin po ako sa pag-iinternet, mga kaibigan!!
hay.. nakakahumaling na talaga ang blogging..
anyway.. hmm. ano pa ba ang masasabi ko?!
medyo nagka-problema din kami ngayon sa mga bagay-bagay sa aming vie (buhay)..
kaya ayun, na-unsiyami uli ang pagbabalik ko sa bayang sinilangan ko bukas (ang Lubao)...
but I know that we can cope with this.. that we'll be able to get through this. sinusubok lang kami ng pagkakataon.
kaya pa 'to!
aja!!
hmmm... sige ito na muna sa ngayon. magbobrowse na muna ako ng ibang blogs.. baka kung anong maganda din ang mapulot ko. hehe.
^___^
No comments:
Post a Comment