Kulang na lang pati athletics at sa non-academic skills sabakan ko na (ay mali! pati pala sa ITC contest sumali na ako!) Basta hindi pwedeng hindi mabuo ang school year na hindi nila ako gagawing pambato sa mga contests na yan (hindi ko naman ipinagmamayabang... ine-enumerate ko lang.. hehehe ^__________^)...
Parati namang nakakasungkit ng karangalan, pero nitong high school, mas madalas nang nakakasungkit ng kabokyaan (wahahahahahahahahahahaha!)..
Oks lang.
Masasabi ko namang bukod sa recognition na matatanggap kapag nanalo, may mga advantages din naman ang pakikipagcontest:
Una, madadagdagan ang tiwala mo sa sarili o confidence (wag lang sosobra ha, kasi hindi na rin maganda yun!).
Pangalawa, nadadagdagan na rin ang kaalaman mo tungkol sa mismong subject, sa madaling sabi, nakakapag-advance ka na.. Advantage mo yun sa mga kaklase mo!
Pangatlo, may allowance na (at least meron, kahit di ganun kalaki no!), makakapunta ka pa sa ibang lugar (host schools, lalu na kapag high school na.. bihira lang yan sa elementary, tapos district level pa. Kadalasan sa central school lang dinadaos ang patimpalak)! Di na baleng talo, nakagala naman! hehe.. Not to mention ang exemption mo sa classes mo nun!
Pang-apat, in relation to the third advantage.. Exempted ka na, may plus grade ka pa, lalu na kung subject teacher mo ang coach mo. Manalo man o matalo, may plus pa rin!
Oh di ba? Kamusta naman yun ha??!
(kulang pa ba?)
Pahabol: ang kinaganda niyang pakikipagcontest, matututuo kang maging "isport", as in yung kahit matalo ka, tanggap mo naman, kasi ganun talaga sa mga contests di ba? (ako tanggap ko na yun, parati namang bokya eh! haha..)
Pero siyempre, hindi naman mawawala ang mga disadvantages:
-Mahuhuli sa ibang subjects na matatamaan kapag todo-powers sa pagrereview (unless shifting classes kayo!)
-ano pa ba?? teka lang nga... basta, kayo na lang bahala magdagdag (asan na kayo??).. kung may advantage man eh hindi din naman ganun kagrabe..
Yun na lang muna...?
****
-
No comments:
Post a Comment