Pages

Saturday, August 2, 2008

I'm back! not front..?

Medyo nanahimik din ako nitong nakalipas ahhh..
(Ano kako??)

Dapat nga hindi ako magpopost ng entry sa blog ko ngayon, at hindi na ako nag-iinternet ngayon eh.. Pero siguro na-miss ko din talaga ang blog ko. ahem.
Anyway, ano na nga ba ang maibabalita ko sa buhay ko ngayon?

  • Malapit na nga pala ang midterm exams namin. This week na magsisimula! Yayyyyy! Kaya nga dapat talagang maghanda, at hindi puro blogging lang (ahem! Sino ba yun?? hehe). Buti nga meron pa kaming dalawang araw na libre, kaya sana makapagreview ako nang matino (hindi magreview ng friendster, imeem, at kung anu-ano pa..) Para sa future ito. At ito na lang ang masasabi ko tungkol diyan: AJA, AJA!!!
  • Sa totoo lang, nitong nakalipas, pa-emote na rin ako.. Hay naku. Mahirap din kasi ang buhay (gaya ng sinabi ko sa isang post). Parati ko na lang ngang iniisip yung mga kailangan ko ngayon eh.. Basta, hindi ko na tuloy masabi ang nasa saloobin ko! (toink, gulo ko talaga no??!)
  • NAKS, musta na? Napapansin ko nitong nakaraan, parati na lang kayong nakahiwalay sa akin. O baka ako na mismo ang nagpapasyang mag-isa na muna, magpaka-loner. Ewan ko ba kung bakit. Parati kong tinatanong ang sarili ko. Siguro epekto na rin ito ng nararanasan ko ngayon kaya mas pinipili ko na lang na palaging mag-isa, nagmumuni-muni, naghihintay na rin [siguro] ng himala (?). Hay. Ewan talaga.
  • Basta, kung anumang bagay ang dumating o kaganapang mangyayari sa pamumuhay ko ngayon, idinadaan ko na lang ang lahat ng 'yan sa DASAL. Yan na lang siguro ang pinaka-effective na solusyon sa bawat hinaing ko.

Hay. BuHaAaAaAaAaAyYyYyYyY........

(AJA talaga sa MIDTERM DeparMENTAL Exams. SupEr AjA taLagA!).

No comments: