Pages

Wednesday, August 27, 2008

wOoooOoooOO! Mag-iingay lang uli sa aking blogger!

Ahemmm! Meron lang akong nais i-update.. Hindi naman ito masyadong big deal.. Hindi nga ba?
Meron kasing singing contest sa school. hehehe. "CLA Idol" ang pamagat pa man din ng naturang contest! Siyempre na-engganyong sumama ang lola ninyo! Palibhasa eh napakahilig, as in NAPAKAHILIG talaga sa pagkanta. Gustung-gusto ko lang talagang sumali, kasi ni minsan hindi pa ako nakakasabak sa mga singing contests na solo. Choral competition (kuno) pwede pa! Pero never pa talaga sa solo. Nakakapagkanta naman ako dati sa mga school programs nung high school at elementary pa rin ako.. pero aiba pa rin talaga kapag yung skill o talent mo ay masusubukan na, di ba???
Gusto ko lang namang subukan. Alam kong napakarami ding nilalang na nasa PLM ang nabiyayaan ng talento sa pagkanta (uuy, Buwan ng Wikang Pambansa ngayon. Paningit! hahaha)..
Pero.. Minsan na lang naman ako magkakaroon ng ganitong opportunity, kaya bakit hindi ko pa sunggaban, di ba? Hindi naman ako umaasang makakasungkit ako kaagad sa pagkakataong ito. Nangangarap lang.. Pero malay natin, pwede pala talaga akong pambato sa mga singing contests at hindi lang sa concerts sa banyo namin?? wahehehe..

Medyo matagal pa naman ang mismong araw ng contest. At may eliminations pa. Babalitaan ko na lang kayo, ha???? (asan na nga ba kayo?? haha. hahay.)

No comments: