Pages

Thursday, November 20, 2008

How sweet naman! *wink, wink!*

Eto na siguro ang isa sa mga pinaka-common na raw sa tana ng buhay ko. Medyo nagkaroon lang ng twist dahil sa isang pangyayari kaninang umaga lang.
(note: ni-rephrase ko na lang ang original lines sa conversation part..)

Trigo subject namin nun. First period. At ang isa sa mga kilalang "terror" ang siyang instructor namin. (I'm not going to mention her name.. ^^) The usual discussion lang naman about our new lesson. Medyo naantala ang discussion, huminto kasi si Ma'am after ng isang item, pagkatapos ay may kausap sa phone. Bigla kong narinig na sumitsit siya. "O.. Dito sa GL.." (kung saan ang building ng classroom namin. Doon pa lang medyo natunugan ko na kung sino ang tumawag sa kanya. hehehe) Tapos patuloy lang siya sa pagsitsit sa pakikipag-usap niya sa phone. Nagpatuloy uli ang discussion namin, hanggang sa talagang na-antala na kami ng biglang sumulpot sa doorway ang isang pamilyar na lalaki, na siyang better half naman ni Ma'am ---Oo, ang husband niya ay teacher din sa school namin, teaching the same subject as well (hindi namin siya teacher pero kilala ko na siya; muntikan na namin siyang maging prof nung 1st sem). Kumatok pa itong si Sir, at pagkakita sa kanya ni Ma'am, agad siyang lumapit dito. Tapos nakita na lang namin (pati ang ibang kaklase ko siyempre, hehe) na may hawak na palang bouquet ng white roses si Sir.. at para yun kay Ma'am siyempre! Akala ko anniversary nila, pero sabi ng isang kaklase ko sa likuran, "Birthday ni Ma'am...". Ah, okay! Ayun nga, kahit nakatalikod si Ma'am, nakita ko sa kilos niya na nagulat siya, at siguradong tuwang-tuwa sa nangyari nga. Umalis sila saglit, para walang audience, para magkaroon sila ng private moment. Hehe. Narinig ko naman yung katabi kong nagsabi na: "How sweet naman!"

OO nga, ang sweet! Kinilig ako dun! haha! As in! Yun pa naman ang unang beses na nakita ko silang magkasama, before kasi pag si Ma'am ang makikita ko, si Ma'am lang. Pag si Sir, si Sir lang din.. Pero never ko pa silang nakita together, at may matching bouquet of white roses pa! Waheheheheh! Yun talaga ang "SWEET".. Ang "KILIG" sa totoong buhay! hehe..

Bumalik na rin si Ma'am na may nakapintang pagkatamis-tamis na ngiti sa mga labi niya, "in fairness", masaya nga siya! (Doon ko lang siya nakita na ganun kasaya! ^^). Una muna, tinutukso pa namin sa Ma'am.


"Yiiiiiii!"

At sabay-sabay nga kaming nagkanta ng "Happy Birthday to You". Tapos nagpahabol pa ako ng "Cheeseburger!". hahaha!

Resbak naman ni Ma'am, "Cheeseburger? 'Di ba dapat kayo ang magpa-cheeseburger?! Ako ang may birthday.."

Disagree to death ang mga kaklase ko, ang sabi nila "Hindi po, Ma'am, kayo po!"

"Ako ba dapat?" tanong ni Ma'am. Tumigil siya saglit. At magpapatuloy siya.


"Sige, iboblowout ko kayo, sa katapusan ng sem.. Sa March.."

(Toink, astig din yun ah?? hehe)

Well anyway, nung ipinagpatuloy namin ang discussion at may ipinagawang seatwork si Ma'am sa'min. Napasulyap ako sa kanya (habang sinisimulan ang pagsagot ng seatwork) at nakita kong inaayus-ayos pa niya yung mga roses (in full bloom, hehe! Parang si Ma'am, blooming no!) at nakita ko din, napangiti uli si Ma'am.. Yung tipo ng ngiting bihirang bihira lang talagang puminta sa mukha niya. Tapos iniwan muna niya kami, siguro para dalhin sa faculty room yung bouquet (medyo natagalan pa nga eh, siguro kinuyog siya sa room nun. hehehe. ^_^) Pagbalik niya, nakangiti pa rin siya. Hindi obvious na nagustuhan niya ang handog sa kanya ni Sir sa birthday niya! :P

...Wala lang, napag-isipan ko lang i-share yan. Kasi hindi naman araw-araw eh nakakasaksi ako ng mga ganyang pangyayari (Swerte, first period na first period at sa klase pa namin natapat no!). In fact, ngayon pa lang yata ako nakawitness ng ganun! At teachers pa kaniyo! Kamusta naman, di ba?!


Sabihin na nating "corny" at "baduy"... Pero, so what naman, aber, ano ha?!

Ganun lang talaga ang SWEET!! hehehe..


Ang sweet na...


"NAKAKAKILIG!" ^___________^

(sana maabutan din namin ang anniversary nila... hahahahaha..)

No comments: