***
Hindi ko inalintana ang alanganing oras ng araw na 'yon.. At ang malamig na temperatura ng panahon. Hindi ako sigurado kung gusto ko pa ba siyang abangan talaga, o magpaka-pessimist nang talaga at tanggapin ang realidad na hindi siya magpapakita.
Pero mahirap din palang alisin ang isang bagay na nakasanayan nang gawin, na naging habit na... Kapag may naririnig akong busina, o pag may natatanaw na sinag ng headlights ng sasakyan, paulit-ulit kong winiwish na sana sa kanya ang sasakyang yon.. Na sana siya na yung paparating na 'yon. Pero kagaya pa rin ng dati, iba pa rin pala yung dumating. Hindi ang sasakyan niya ang nakita ko. At lalung hindi siya ang lumabas galing doon.
Kagaya din ng dati, bubuntong-hininga ako. Ayaw niya yata talagang magpakita sa akin.
(to be continued ba ito?)
No comments:
Post a Comment