Pages

Monday, December 15, 2008

I'm falling in love.. AGAIN..





















Akala niyo naman siguro kung ano ang tinutukoy ko?

ANO.. Hindi SINO.. Hahaha. ^____________^

Math lang naman ang tinutukoy ko eh. Oo, walang iba kundi ang Mathematics. Hindi kayo nagkakamali sa nababasa ninyo (nasaan na pala kayo?!), isang school subject nga ang tinutukoy ko. Hindi ibang tao. :P

Wala lang. Nung unang sem kasi nagalit na lang ako bigla sa subject na ito eh. Kaya nagalit din sa akin ang grade ko nun. (Toink). To think na isa talaga akong "addict" sa Math. [Love ko ang Math... Pero hindi talaga ako love nito. wahaha]

Pero ngayong pangalawang sem na, alam kong unti-unti nang nawawala ng resentment ko sa subject na ito. At muli nang "nahuhulog ang loob" ko para sa Math. Hehehehe. Ang sarap ng feeling na hindi na pinoproblema ang siyang favorite subject mo sa school. This is the life!

[Malamang nagsawa lang talaga ako sa Algebra.. Ngayong Trigonometry naman ang Math namin, parang mas feel ko na kasi ibang field naman.. Hehe.. Addict no?!??]

Sana din naman mawala na ang galit sa akin ng grade ko sa Math sa katapusan ng sem. Wahehehe.

***
Hindi rin ako makapaniwala.. Ako mismo ang nakagawa nito, pero hindi ako makapaniwala. Halos natapos ko na rin ang homework na iniwan sa amin ng Math prof namin (na tinawag niyang "Pamaskong Handog." Wahahaha). Hindi naman ganun karami eh.. Pero ewan ko ba kung bakit na-feel ko na lang sagutin ang mga items na yun.. Ngayon, isang item na lang, tapos ko na sana at ichecheck na lang. Kaso tinamad akong ituloy pa, medyo nahirapan din ako in fairness. Haha. Kaya nga nag-internet muna ako, baka sakaling pagbalik ko, ma-solve ko din yun. wahaha. Addict di ba?!???

No comments: