BS Math.. Oh, BS Math..
(Matagal na akong isang "Lover ng Math".. AYSOS!.. Nasabi ko na rin yun dito minsan, di ba?)
Nung huling semester, pumasok na sa isip ko ang kursong 'yan: BS Math (hindi naman makulet no!). Hindi ko na kinailangan pang mag-dalawang isip na yan nga ang gusto kong kunin kapag nasa 2nd year na ako (ganun talaga ang sistema ng Gen Ed program ng PLM). Ang kaso, nang malaman ko ang grade ko sa Algebra namin last sem ---tumataginting na dos singkwenta! Arayku! Napakasaklap para sa isang "lover of Math" na kagaya ko--- nag-umpisa na akong mag-alanganin sa nabanggit na kurso. Parang nagdalawang-isip na akong piliin o kunin yan. Para kasing pakiramdam ko, hindi ako makakalusot diyan, dahil ang dapat minimum grade sa Math ay 2.25. (Eh di lalung masaklap, di ba?)
Ewan ko ba, sinumpong akong ng pessimism nun. Kaya nag-umpisa na akong magpaalam sa aspiration kong matuloy sa BS Math (SFX: "Sad tone": Aaaaaaayyyy...). Nagbago ang takbo ng isip ko... Kaya nag-umpisa akong pumili ng ibang kurso kung saan hindi na kaso ang 2.5 na College Algebra.
It wasn't until one day in this current sem, nang mabanggit sa amin ng Math prof namin ang tungkol sa kursong pipiliin namin. (Sa February na kasi kami bibigyan ng form kung saan isasaad namin ang three choices of courses namin, at by summer, malalaman namin kung saang college kami pupwedeng mag-enroll. Kaka-headache di ba?!??) Natanong pa niya sa buong klase namin kung sino ang may balak na kumuha ng BS Math.
[..."Sino sa inyo ang may balak kumuha ng BS Math?" anang ganyan ni Ma'am.
Medyo nag-hesitate pa akong sumagot nung una, pero nasabi ko na ring bigla, "Ako po...!" Tapos, ako lang pala ang kaisa-isang kaluluwa sa loob ng klaseng 'yon na may lakas na loob magtangkang kumuha ng BS Math! Kahit nung isa-isa niya kaming tinanong, sa akin lang niya talaga narinig ang mga salitang yun... Kaya siguro natuwa siya sa akin. hehe.]
Nung nalaman ni Ma'am na may balak akong yun ang kunin, iniinsist na niya sa akin na tumuloy na nga daw ako doon. (Pansin na pala niya ang kahumalingan ko sa subject na itinuturo niya. hekhekhek) Alanganin pa rin talaga ako sa sinabi niya hanggang sa mga oras na 'yon, compliment and chorva.. Pero hindi nagtagal eh natatak na rin sa utak ko, na gusto ko na nga uling kunin ang BS Math. After all, may kinalaman din yun sa "first love" ko (aysos!! Ayoko mang gamitin ang ganitong istilo ng pananalita, dahil sa nagmumukha akong NERD, pero hindi ko maiwasan.. yun kasi talaga ang.. totoo? Awww....) at siguro nga maging maganda ang performance ko sa kursong yun. Sana nga.
At sana nga makalusot din ako sa BS Math. (Kasi sa totoo lang hindi ko na rin talaga alam kung ano pa ang ibang kursong gusto kong mapuntahan... Wala na talaga akong sure na second choice, tapos ang MassComm naman... ay ewan. tonoink.. SInasabi kong mga choices ko sila.. pero hindi lang talaga ako makapagdecide eh.. hay ambot! Ang gulo ko talaga!) Pwede naman sigurong mangyari yun... (Walang imposible. hehe)

No comments:
Post a Comment