Pages

Sunday, July 19, 2009

happy birthday to me. :P

Oh ha. Bertdey ko na mga pipols! Wala pang masyadong bumabati sa akin eh. Kaya sinendan ko kayo ng message na naglalaman ng link ng blog na ito, para sa pang-ilang beses eh ipapangalandakan ko na namang BIRTHDAY KO PO NGAYON (Sensya na kayo, ADIK lang talaga ang lulu niyo.. LOLZ).. July 19, 2009.. (Ganito lang talaga pag malakas ang trip. Toinks).

Wala naman talagang bonggang bonggang selebrasyon. Ayun, pansitan lang sa bahay. Dapat nga gagala kami ngayon diyan sa may MOA-tabi-tabi, kaso hindi maganda ang timpla ng panahon kaya main stay na lang talaga kami sa bahay.. at itong surfing sa Internet ang magsisilbing pinaka-treat ko para sa araw na ito. Wahihihi. Kahit nga gifts eh wala akong natanggap ngayon; pero baka sa mga darating pang araw, may humabol pa. hahahaha. So, ipinapadaan ko na rin lang sa mga bati, eh. Nothing much, really. Still, ginagawa ko pa ring slightly super big deal ang birthday ko. Keber niyo? ;)

Magpapasalamat na lang ako uli sa lahat ng mga bumati sa akin in advanced, on time, and siyempre para sa mga belated na rin (malakas ang pakiramdam kong marami ngang hihirit. Kasi naman wala ding klase ngayon eh. Toinks.).. Mapa-personal man o virtual na bati. Maraming salamat talaga, at least eh nakumpleto ang araw ko di ba. Sa mga hindi pa nakakabati sa akin, DEADLINE OF SUBMISSION OF ENTRIES IS UNTIL JULY 31, 2009. LOLOLz. Echos.


***

Ako, bilang isang trend-defier.

Sa mga panahong nahuhumaling ang iba sa High School Musical series, ako naman ay naaadik sa Annie, Chicago, The Sound of Music, at iba pang nauna sa HSM. Wahaha.

Sa mga panahong paborito ng karamihan sina Miley Cyrus, Taylor Swift, Ne-Yo at Kung Sino Pang Sikat na Sikat na Singer ng Sikat na Sikat na Genre ngayon, ako nama'y nananatiling maka-Michael Buble, Norah Jones, Richard Poon at Sitti. Hehehe.

Sa mga panahong naloloko ang mga kasing-generation ko kina Ju Jun Pyo o Kung Sino Mang Korean/Chinese/Japanese Heartthrob siya, ako ay inlab na inlab na inlab kay Captain Georg von Trapp (Christopher Plummer) [45 years ago!] chuvachenez ng iba. (Anuraw?!)

Yan lang muna ang naisip kong mga katangian ko bilang isang TD/beatnik/anachronism.


Kahit na ako'y nasa panahong evident na evident na ang modernisasyon, mukhang napapag-iwanan pa rin ako ng mga taon.


aruy.


Happy birthday to me. I was 16, went on being 17. Yeah. ;)

No comments: