Pages

Saturday, August 15, 2009

Makasawa rugu. :((

Ayoko na talaga. Sawang sawang sawa na talaga ako. Nakakapagod na. Parati na lang ganito. Nakukuliglig na ang tenga ko sa paulit-ulit-ulit-ulit na mga bagay na naririnig ko, na puro lang naman exaggeration, spekulasyon, opinyon, walang katotohanan at kagaguhan. Ayoko na talaga! Nasasaktan lang talaga ako sa mga naririnig kong bagay.. Nasasaktan ako hindi dahil sa totoong totoo, pero dahil sa hindi man lang ako nabibigyan ng pagkakataong makapagpaliwanag ng maayos, mapaniwalaan at maintindihan. Ni minsan, hindi.


Pakiramdam ko tuloy wala na akong ibang ginawang maganda. Kung meron man akong tatrabahuhin, isusumbat pa rin sa akin, parang kulang pa rin ang lahat ng mga pinaggagawa ko sa buhay ko. Lahat na lang ng ginagawa ko kinakikitaan ng pagkukulang. Anu ba talaga? Sa kabila ng lahat ng efforts kong magpaka-ayos ngayon, kahit na ba gaano kakumplikado at kahirap ang sitwasyon namin, sa kabila ng lahat ng ginagawa ko para lang may masabing "may ginagawa" talaga ako, balewala pa rin. Kung sumbatan nga ako eh parang mas daig ko pa ang lahat ng mga mabisyo, mabulakbol, lakwatsero, mabisyo at rebelde, samantalang ang ginawa ko lang talaga eh magpaka-GC sa pag-aaral at kung anu pang malayo sa gawain ng mga taong nabanggit.


Hay naku. Hay nakung naku talaga.

Ang hirap magpalaki ng magulang.

No comments: