Pages

Thursday, December 9, 2010

Blogger and I are friends once again...

I think so? Haha. Naku nagbablog na naman ako. Palibhasa walang ibang magawang maayos (gusto ko sanang manood ng mga films sa YouTube... Kaso hindi pa rin talaga magawa nang matino din. Sus. Tsk!)

Anu pa nga ba ang masasabi ko sa ngayon? Ayun, December na naman. Malapit na namang matapos ang taon. Alam kong napakagasgas na talaga ng linyang sasabihin ko, pero totoo namang mabilis ang paglipas ng panahon. Maraming mga nangyari. Maraming mga pinagdaanan. Maraming mga bagay ang nag umpisa at natapos. At marami pang iba... hehe. Halata namang masyado akong busy sa buhay o kaya naman eh sadyang tinatamad lang talaga para magdadaldal pa sa blog kong ito. Isa pa, may nagtutuon pa ba ng pansin dito? Swerte ko na lang kung meron pa, da ba. XD

***

Marami din nga bang nagbago?

Oo, sa tingin ko marami ding nagbago. Sa sarili ko pa lang, meron na kahit paano. Hindi ko na nga idedetalye kung anuman yung mga yun... (Basta may isang dehins nagbago, at yun ang NBSB status ko. LOLOLOLOLOLz) Pero sana, para sa mas ikabubuti ko ang mga pagbabagong ito sa buhay ko. Yes, dumadrama talaga.

***

Ako nga ba'y isang sawi sa pag-ibig? O sadyang hindi lang talaga ito ang tamang oras para karirin ko ang love life?

Haha. Ambot. Di bale na lang nga muna.

***

Oh siya. Talagang tinakasan na naman ako ng espirito ng pagba-blog. haha. Meganown?! Anyway. Adios Patria Plata. :p

No comments: