In my case, every weekend is a long one. But I can't help saying that so far, this is the "longest" weekend I ever had; i.e. the longest one spent going back home to province instead of staying in the big city.
***
[08.29.2011. Lubao]
Masyado lang ba akong nasanay sa buhay sa siyudad? O talagang hindi pa handa ang utak ko para sa pag-uwi at sa panandaliang bakasyon sa probinsiyang kinalakhan ko?
Napansin ko lang, mas madal na akong mainip dito, eh. Hindi ako mapakali sa katahimikan lalu na pag gumagabi na. Nababato ang isipan ko kapag sinusubukan kong humanap ng ibang pwedeng gawain. Tinatamad na ako kapag mag-iisip ako ng ibang lugar na puwedeng puntahan, at manghihinayang kapag maaalala kong may kalayuan pa nga pala ang ibang pook-pasyalan dito. Halos tatlong araw lang akong nandito pero ganyan na nga ang reaksyon ko sa mga pangyayaring pinagdadaanan ko.
So, eto na nga ang buhay na nakalakihan at nakasanayan ko dati: simple, tahimik, matiwasay, at walang kaanik-anik. Ngayon, nagagawa kong mamahay sa lugar na ito. Siguro nga, epekto ito ng mga pagbabagong nadaanan at dinadaanan ko sa pamumuhay sa Kalakhang Maynila. Sa ngayon, siyempre mas hinahanap-hanap ko na 'yung ibang takbo ng mga bagay-bagay sa siyudad.
Magkagayunman, alam kong sa kaloob-looban ng puso ko, naroon pa rin 'yung hangarin na muling magbalik at manirahan dito sa probinsya. Alam kong narito pa rin 'yung pag-asa na balang araw, babalikan ko pa rin 'yung pamumuhay na dati ko nang nakasanayan at nakagisnan ko dito.
Pwede ba namang hindi? Eh napakalaking bahagi na ng ginampanan ng buhay na ito sa puso ko.
***
Baka naman nagkakaganito ako dahil na rin sa PANAHON? Haha. Epaaaal.
No comments:
Post a Comment