Ngayon ko na lang
naramdaman ang stress.
Hayst.
Kung hindi pa ako
halos magkanda-himatay, hindi ko pa ‘yun mararamdaman, eh.
Mukhang na-manhid na
naman ako nitong nakalipas, kaya siguro parang wala akong nararamdaman.
Napapagod na pala ako, sige pa rin ako ng sige.
Pero teka. Ano ba
ang dapat kong ika-pagod? Sa pagkaka-alam ko, pulos lamyerda din naman ang
pinaggagawa ko nitong nakalipas, eh. Sa pagkaka-alam ko lang; baka may
nalampasan ako at hindi pala nalaman.
Baka naman pinipilit
ko na ding pagsabayin ang lamyerda at trabaho. Pilit kong isinisiksik ang
petiks sa pag-aaral. Dahil doon, nababanat na ako nang ‘di ko pa namamalayan.
Pwede bang ayawan na
muna? Hindi ko na naman kasi kaya. Gusto ko munang kumalma. For once, I just want to be totally idyllic, in whatever aspect, even
for just a short while. Perhaps I just have to be free from the constraints
of anything that can cause my stress. Baka naman ‘yun lang talaga ang kailangan
ko, eh. :|
***
Bakit ‘yung ibang
tao, nagagawa pa rin nilang ipagpatuloy ‘yung mga nasimulan na nila, i.e.
ka-GC-han? Nagagawa pa rin nilang i-maintain kung ano na ‘yung nasimulan nila.
Buti pa sila.
But then again, sila
‘yun. At hindi ako sila; hindi din sila ako. Walang silbi nga pala ang
pag-iisip ko kung bakit ganun; wala akong mapapalang kasagutan sa pagtatanong
ko...kasi, wala naman talagang dapat itanong.
Alam ko, hindi
dahilan ‘yung kahirapan ng sitwasyon ng buhay para sa mga kapalpakan ko. Pero
sa totoo lang, pakiramdam ko ‘yun ang isa sa mga dahilan kung bakit
nagkandaloko-loko ang ilang mga bagay.
Baka naman talagang
mahina din ako? O, hinahayaan kong manguna ang kahinaan ko, samantalang nandyan
na ang kalakasan ng loob ko. Bwisit. Kung kelan ako tumanda, saka ako
nagkaganito. Kung kelan malapit ko nang mai-raos ang pagiging teenager, saka ko
naramdaman ang pag-atake ng identity crisis, bukod sa iba pang mga issues sa
pagkatao, kyemenez. Delayed reaction, ‘di ba? Tsk!
No comments:
Post a Comment