Minsan, hindi ko
maiwasang mapaisip ng ganitong ideya: Nakakafrustrate at nakakapraning ang
mag-aral… As in.
Ganun kasi ang kaso
ko, eh. ‘Yun bang, akala mo, sapat na ‘yung ginagawa mong paghahanda bilang
bahagi ng pag-aaral. Sasapit ang araw na pinaghandaan mo; magpupumilit kang
ibigay ang buong makakaya mo; bandang huli parang wala ka ding ginawa.
Pa-boplakz pa rin ang dating ng mga resulta. Pagkatapos nun, halos mapasab ka
nang “Ayawan na lang, oh!”; na kung kasama na ang pagsuko sa mga susunod na
pagpipilian mo, matagal mo nang ginawa ‘yun.
Sa kabila ng lahat
ng ‘yan sinusubukan ko pa ring huwag bumigay at magpaka-boplakz nang bongga.
Pinipilit ko nang umaayos sa pag-aaral, habang pinipilit ko ding lumayo sa
magulong mga gawain ko dati. Nakakafrustrate man ang madalas na kinalalabasan
ng mga kaganapan matapos ang pagpupumilit ko, hinahayaan ko pa rin ‘yun.
Pinagbibigyan ko na muna ang sarili ko, imbes na karirin ang pagkadismaya sa
sablay na resulta. Siguro, kako, kailangan ko pa rin ng dagdag na panahon bago
tuluyang manumbalik ang parte ng sarili ko na GC kung GC (GC: “Grade
Conscious”), na pati ‘yung mga kalalabasan ng anu mang tinatrabaho ko eh
pang-GC na rin. Palagay ko kasi, ang chaka naman kung bubugbugin ko pang lalu
ang matagal nang bugbog kong sarili sa kakasunog ng kilay; ‘tapos kapag hindi
ko nakamit ‘yung lebel na inaasam ko eh magpapakalugmok na lang ako sa
pagka-dismaya.
Kaya lang, talagang
paulit-ulit na lang na ganito ang takbo ng mga pangyayari―eh ‘di lalung nakakafrustrate. Darating man ‘yung puntong medyo
gumaganda ang estado ko, paglipas ng maikling panahon ay babalik na sa “dati”
ang lagay ko. Ewan ko ba kung ganito na ba talaga kahirap ang mag-aral, o kung
pinapahirapan ko na naman niyan ang sarili ko. Tsk.
***
Sa kasagsagan ng
kapraningan ko, nawawala na sa isip ko kung ano pa nga ba ang tama o mali sa
pinaggagawa ko sa buhay ko.
Ang mga inaakala
kong tama na, kung ‘di man namamali eh nagkukulang pa rin. Ang mga inaakala
kong mali, nababale-wala at nagmumukha namang okay lang kung maganap o sumulpot
nang basta.
May gagawin akong
bagay na ‘di kalaunan, panghihinayangan o halos pagsisihan ko pa na nangyari.
May malalampasaman akong gawin na ganun din; panghihinayangan o halos
pagsisihan ko pa yata.
Ano na ba talaga?
***
Kung kelan
tumanda-tanda pa ako, dun ko mas nadama ang pag-epal ng IDENTITY CRISIS.
Delayed reaction nga, ‘di ba.
No comments:
Post a Comment