'Yung pumapasok sa school... makinig sa discussions sa klase at makikulitan sa makulit nang hirit ng mga profs.
'Yung makipagharutan sa mga kaklase... magsama-sama at makigulo sa bahay nang may bahay para gumawa ng isang group activity tapos minsan (o kadalasan?) walang napapala o kaya nagkakadaldalan o nagkaka-tulugan lang din.
'Yung sabay-sabay kayong magkakaklase na dumaranas ng pagdurusa para sa pagrereview ng mga subjects at nagkakasundo pa kayo dahil sa pagdurusang 'yun.
'Yung pare-parehas na nagiging alanganin ang academic standing ninyo.
'Yung napapagalitan ka sa teacher ninyo dala ng mga kasablayang naipapamalas mo. 'Yung napupuri ka nila dahil kahit paano, may naipakita kang matino sa pagiging estudyante.
'Yung pagronda mo sa bawat sulok ng school grounds na parang pagmamay-ari mo ang property na kinatatayuan ng school na 'yun.
![]() |
| Gusaling Corazon Aquino, along General Luna St. (Image credit: Dwight Unplugged) |
'Yung simpleng titulo ng pagiging estudyante ng paaralang ito, pumapasok araw-araw, may klase o school event, may baon o wala, may prof man o pa-attendance na lang, may napapala o nganga lang talaga.
Kayo ba, nami-miss na ba ninyo 'yun?
Ako kasi, oo. Talagang-talaga. Dahil diyan, pipiltin kong makabalik na sa pagiging estudyante. CPE, MS, here I come!

No comments:
Post a Comment