Pages

Thursday, December 11, 2008

Twilight, O Twilight...

Akala niyo, addict ako no?!

Hindi kaya! hehehe...

I am just one of those people who have heard and seen but not read the book and watched the movie (meron pa kayang ibng ganun? toink!).

Pero aware akong patok na patok na patok as in "in na in" talaga ang series na ito... Kung di ko ba naman ito parating naririnig na namumutawi sa mga labi ng mga taong nasa paligid ko, hindi ba ako ma-aaware??

Ano nga bang meron ang Twilight na ito, at bakit napakaraming nahuhumaling sa libro o pelikulang ito?





Una kong nakita ang Twilight books sa National Bookstore nun (yun pala yung Twilight na sinasabi ng isang forumer sa TeenTalk Forum ng Candymag.com. See my "Other Links"). Naagaw kaagad ang pansin ko kasi iba ang design ng cover eh. Basta kakaiba ang dating. Gusto ko sanang buklatin ang libro, kaso nakabalot pa ng plastic, eh naka-display pa naman sa tapat ng entrance kaya makikita ang pagtanggal ko ng plastic cover. (nakakahiya, baka pagbawalan pa ako. hahaha. Haha.) Wala naman akong pambili nun eh. Ayun. Yun na.

Tapos bigla ko na lang nakikita ang ibang mga random peoplesss na may hawak na librong ganun, o kaya pag-uusapan ang tungkol doon. Mukhang mabentang mabenta ah. Na-curious tuloy ako. Kaya inalam ko ang storya nito. Ahhhh, love story pala. Modern-day romance with the twist of lemon. Hehe. Ibig kong sabihin, may twist dahil ang leading man ay vampire (do I still need to continue??). And so on and so forth. Well, hindi pa rin talaga nawala ang curiosity ko. Bakit ba baliw na baliw na addiict na addict sila dito? hehehe.

Kasunod na nalaman ko, may movie adaptation na pala ang Twilight na ito. At ang gaganap na Edward Cullen ay si Robert Pattinson (na unang nakilala bilang si Cedric Diggory sa Harry Potter and the Goblet of Fire)... Aba.. Wala lang, hehe, in fairness gwapo ang gumanap ng leading man... Maganda din kaya ang movie? Hmmm...
Sa ngayon nagbabalak akong panoorin ang movie eh. Tutal wala akong pambili ng libro. Baka sakaling malaman ko na kung anong meron nga ba ang Twilight at lokong loko na ang karamihan dito...

***
Sa totoo lang, sawang sawa na ako sa kakarinig sa salitang "Twilight". "Twilight dito, Twilight doon." Putek. Puro na lang Twilight. (Yung Twilight Zone kasi ang pumapasok sa isip ko ehh. haha.)
***
Ang alam ko may narinig din akong comparison ng Twilight at Harry Potter...
HUWAT???????????
ANo???? Nanu, nanu???

NO WAY!
Hindi ko ata matatanggap yun!
Malamang maganda ngang talaga ang Twilight saga, pero wag na sanang ikukumpara ito kay Harry Potter. Haller, they may be of same genre (fantasy) pero magka-ibang magkaiba pa rin ang dalawang yan!!!!!
How dare them! (hehehe)
the BEST pa rin ang HARRY POTTER! Ok! hehehe..

No comments: