Pages

Thursday, December 11, 2008

Sino nga ba talaga si BOB ONG?

Bob Ong.

Sikat na sikat na sikat na sikat na ngang talaga ang pangalan na ito.
Siya lang naman ang author ng mga bestselling books na ABNKKBSNPLAko?!, Alamat ng Gubat, Stainless Longganisa, Ang Paboritong Libro ni Hudas, atbp.
Siya din ang nagsisilbing IDOL ng karamihan sa atin ngayon.

Pero ito ang isang tanong na matagal nang tumatak sa isipan ko matapos basahin ang una niyang aklat:

SINO NGA BA TALAGA SI BOB ONG?(...?!??????)

Hindi ba't wala man lang siyang short bio sa mga libro niya.. Wala man lang konting info. (hehe, naghanap daw talaga?!) Basta ang nakasaad lang sa libro (ABN...), Roberto Ong talaga ang pangalan niya --- nickname nga naman para sa "Robert(o)" ang "Bob". Pero, bukod sa mga ka-close niyang talaga, sino nga ba sa ating mga readers ang nakaka-alam ng totoong pagkatao ni Bob Ong?

Merong kumakalat na balita/tsimis sa amin sa school: TEACHER DAW SA SKUL NAMIN SI BOB ONG. At faculty member pa siya sa mismong college kung nasaan ako ngayon. Sinabi pa nga sa akin ang totoong pangalan DAW ni Bob Ong. At hindi 'yon "Roberto Ong", kundi ibang pangalan (pasensya na kayo pero wala akong babanggiting pangalan dito, maliban kay Bob Ong, heheheh.). Medyo naging skeptical ako... Talagang naging skeptical ako sa sinabi sa aking balita/tsismis. "Bakit ganun? Hindi b Roberto Ong ang pangalan niya?" Kahit na ipinagpilitan ko yung una talagang "pinaniniwalaan" ko, ewan ko ba, parang [halos] pinaniwalaan ko na rin yung sinabi ng isang kaklase ko.

It turns out na ilang beses ko nang na-meet in person yung sinasabi nilang si Bob Ong DAW. Ilang beses ko na siyang nakikita at nakakasalubong, pero hindi ko siya naging teacher noonng unang sem, pati ngayon (may mga kilala akong naging student niya noong first sem.. at meron din ngayong second sem..). Pagkatapos nung nalaman kong siya DAW si Bob Ong, pag nakikita ko siya, tatanunging ko ang sarili ko: "Siya nga ba talaga si Bob Ong?"

hay naku. Amboot di ba.

Kanina lang may nabasa pa ako sa isang site na may kinalaman sa kanya.. Lalu akong na-kuryus, I mean, na-curious sa pagkatao niya.

(Sabog ba? hehe. Sensya kung sabog. Medyo pa-random lang...)

Sa tingin niyo, balang araw kaya eh masiwalat dina ng pagkatao ni Bob Ong? hehehe

***
Di ba non-fiction ang mga libro ni BO? Di ba? Di ba??

No comments: