Medyo sensitive ang next scenes... Pasintabi na lang po sa mga kumakain! Harharhar.
INTRO:
I used to joke that my pictures are (certified?) pamate-dagis. "Pamatay ng daga." "Doraratkiller." I never expected na talagang magiging pamatay ng daga ang picture ko! SOS!
BODY:
Kahapon yun, January 4, 2009. Kararating lang namin galing sa byahe. Umuwi na kami kasi galing ng province, dahil tapos na ang Christmas break. Isa pala sa mga nagwelcome sa amin ay isang natigok (na naman!) na kamag-anak ni Mickey Mouse na naipit sa pinakailalim na drawer ng orocan namin..
Yun ay drawer ng mga damit ko! Aysus! Pangalawa na yan ahhh?! Bago kami umalis, merong ganyan, tapos ngayong bumalik kami, meron na naman?! Hay naku!
Kaya inalis na rin yun ng kapatid at ng Mommy ko, habang inaayos ko pa ang ibang gamit na dala namin. Joskoh. The forgiving scent of forgiveness really STINKS!
A few moments later, napag-isipan ko na ring ibalik yung mga dinala kong damit sa drawer ko. Yun ngang nasa pinakailalim. Pagkabuklat at pagka-halungkat ko sa mga damit doon, laking gulat ko na lang nang may nakita akong mga langgam... Tapos punit-punit na maliliit na piraso ng papel... Tapos.. Tapos....
"ANO ITO???? BAKIT MAY GANITONG CREATURE DITO??????"
At ano nga ba ang nakita ko???? Isang maliit na skeleton.. Sa simula eh hindi ko pa na-identify kung anumang nilalang yun. Akala ko pa nga, butiki.. Pero nung tiningnan ng kapatid ko, ang sabi niya..
"Ay, DAGA!"
HUWAAAAAAAAAT?? May junior pala yung dagang naabutan namin.. NASA LOOB PA NG DRAWER KO!!!
Basta doon pa lang parang naghysteria na ako. Tapos.. Tapos.. May umappear pang ibang Junior!!! This time, hindi pa naman skeleton.. Pero tigok na rin!! As in, yung porma nila eh para bang fetus na hindi pa pinapanganak?????? Siguro mga apat o lima na yon! WAAAAAAAAAAAH!!!! Hindi lang yon, siyempre na-decompose na yung mga junior bubwit, kaya may forgiving scent of forgiveness na naman (IT REALLY STINKS!!!!!).. WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH! Malamang medyo matagal na rin yun kaya nangamoy ang mga damit ko!!! WAAAAAAAAAAH!! Hindi ko talaga na-take yun! Nagngangawa na akong talaga! Ni minsan eh hindi ko pa yun nararanasan sa tana ng buhay ko!! NI MINSAN! (And to think na hindi naman talaga ganun kalaki ang drawer, at hindi ganun karami ang mga damit nun!!)
Ang kapatid ko na lang ang naglinis nung naturang drawer, habang ako eh todo ngawa at todo pagpag sa mga damit ko. Binigyan na rin ako ng mommy ko ng pabango ng cabinet, basta yun na yun.. Pagkalinis ng kapatid ko, talagang binudbod ko yung pabango ng bonggang bonggang bongga habang nagngangawa.
Nasabi ng mommy ko, "Baka naman may picture ka diyan?"
Ang sagot ko, "Wala ah. Wala akong picture diyan, FYI..."
Pero mali pala ang sagot ko, at tama ang hypothesis ng mommy ko. Nakalimutan kong meron nga pala akong picture na nakatago sa drawer na yun, nasa loob pa rin ng envelope.. Ang toga pic ko nung high school! Isang 5r ata yun, at dalawang 2r! WAAAAAAAAAAAAAAAHHHHH!!!!!!!!!!
Dinagdag pa ng kapatid ko, "Ah, yung malaki yung nakapatay sa mga magulang, tapos yung mga maliit sa mga anak!"
WAAAAAAAAAAAAAAAAAAH, TIGILAN NA NINYO AKO!!!!!!!!
SOS!
Nakak-hysteria talag 'yun nang BONGGANG BONGGANG BONGGA! SOS!
(Not S.O.S. Toink)...
Grabeng talaga yun...
Napaisip din ako, mas mabuti pa pala nung nakalagay lang sa travelling bag ang mga damit ko?!?? Kasi at least doon walang natatagpuang na-decompose na dagang junior! Langgam lang, pero walang daga! WALA!
May pahabol pa ang kapatid ko. "Ate, i-blog mo 'to ha? Babasahin ko yun, PRAMIS."
"Pwe... CHE!"
ENDING:
At eto na nga, ipinost ko na sa blog ko ang napakalalang alaalang yon. (Sana mabura na yon sa alaala ko! SHOOOS!)
No comments:
Post a Comment