Pages

Tuesday, January 6, 2009

AnGeLs and DemOnS the Movie/ Sino kaya ang gumanap na Carlo Ventresca?

Angels and Demons. Bow.

Ito ay isang nobela ng napaka-kontrobersyal na author na si Dan Brown.
Ang A&D din ay siyang prequel ng napaka-kontrobersyal namang nobelang The Da Vinci Code.

At ngayon, isa na itong major motion picture starring Tom Hanks, et al. (Showing on May 15, '09.. US ata!)

Okay, so hindi na ako masyadong magchichika pa tungkol sa mismong novel/movie adaptation (but still, gusto ko kayong warningan sa mga spoilers. Spoiler alert, alert, alert!), since hindi naman tungkol diyan in general ang post na ito... (Umintro lang, sa madaling sabi. Wehe.)

~0~

Nung isang araw lang yun, nabanggit ng mommy ko na may movie adaptation na nga ang Angels and Demons. I was like, "Talaga?!?? Ayos! Aabangan ko 'yan!"

Nabasa ko na kasi ang A&D (pati na rin ang DVC, kaso hindi ko pa napanuod ang movie.. tsk!)... In fairness, maganda ang storya nito. Mas maganda pa nga yata kaysa sa DVC?! (I'll think about it first!) I liked the novel; in fact, it is one of my favorites. Kaya masasabi kong natuwa na tin ako dahil nga sa nalaman kong may adaptation na ito.

~0~

Natuwa din ako sa nalaman ko, kasi at long last, makikita ko na rin kung paano ang hitsura ni Camerlengo Carlo Ventresca sa pelikula. Aba, at sino kaniyo ang echos na ito? Obviously, isa siya sa mga main characters ng storya. Siya ang chamberlain, o parang susunod na sa kapangyarihan ng Pope ("honorary papal attendant.. Bongga di ba! Hehe). Sa pagkaka-alala ko, isa siya sa mga tumulong kina Robert Langdon at Vittoria Vetra habang nasa Vatican City pa ang dalawa. But it turns out that he's one of the villains pala (sabi ko naman, spoiler alert diba..)! Gayunpaman, siya talaga ang favorite kong character sa novel!

Nain-love talaga ako sa character ni Ventresca, noong binabasa ko pa ang A&D (2nd year high school pa lang ako nun ah! Waharhar!). Never mind if he's a chamberlain/priest and JUST A FICTIONAL/MADE-UP/UNREAL PERSON. hehehe. Kahit hindi ko siya tuluyang nakikita noon, base sa nahinuha kong description sa kanya ng author, GWAPO siya. Gorgeous. DROP-DEAD GORGEOUS! Waharharhar! (adik noooo?!) Hanggang ngayon pala, in-love pa rin ako sa character na 'yun..Lalu pa akong na-inlove nang malaman ko kung sino ang gumanap na Camerlengo Carlo Ventresca!



...Hindi ko na pinatagal pa ang pagkakataong alamin kung sino nga ba ang artistang nag-portray sa favorite character ko. Hinanap ko na sa Internet Movie Database (IMDb) ang full cast ng A&D movie..


Carlo Ventresca, where na you?

*scroll down, scroll down*

Ayun.
Akala ko naman kung sin ang gumanap.
Tapos, si Ewan McGregor lang pala.

Teka. Natigilan ako ng .5 second. Tama ba ang nabasa ko??
SI EWAN MCGREGOR ANG GUMANAP NA CAMERLENGO CARLO VENTRESCA?????
WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHH!

Anubayun! Muntik na akong tumili sa Internet cafe that very moment!
GAS! MAY GAS! UNLEADED GAS! ASONG MAY PULGAS!

Si EWAN MCGREGOR NGA! Ang PINAKAMAMAHAL KONG SI EWAN MCGREGOR!
Wooot! Grabeyxious!

I was quite surprised, and at the same time, overwhelmed with joy.
Surprised, kasi ang inexpect kong gaganap ay isang Italian actor (with respect to Ewan McGregor) since Italian ang nationality ng character ni Ventresca.
Overwhelmed, kasi naman ang kinalolokohan kong Hollywood actor ang gumanap sa character na siyang pinakagusto ko naman! Grabe, todo na talaga ito!!!


Sa tingin ko,
PERFECT CHOICE SI EWAN MCGREGOR PARA SA ROLE NA YON!
(No doubt about that! Really!)
Lalung naging DROP-DEAD GORGEOUS si Carlo Ventresca (even with the vestment and chorva!! Wahehehe)
Talagang aabangan ko yang Angels and Demons the movie na 'yan! Hinding-hindi ko yan papalampasin! waharhar!!

~0~

Adik di ba?! :D

1 comment:

Anonymous said...

Uy sya nga...waaaah...makiki-waaah na rin ako....waaaah!

Peyborit ko din ang book na yan mas maganda sa Da Vinci code.

Ano kitakits na lang sa sinehan..hahaha. Oist mag-aral ka! midterms na diba?!!!