Lapit na kasi ang midterms eh, kaya kailangang magsunog ng "kile". Tsaka kailangan ding magtipid! (aysos! Matagal nang kailangan!)..
Kaya magbababooshka na muna ako. Para asikasuhin ang mga bagay na dapat ko pa ngang asikasuhin. Unahin ang mga dapat unahin. Magset ng priorities! Chorva.
Magpapa-alam na muna ako sa inyo. (Yoohoo, asan na kayo?!?? Haha)
Iiwan ko na muna ang mundo ng Internet para harapin ang mundo ng reality (Wow! May ganung factor pa!). Di ba ganun naman talaga dapat?
(Isa pa medyo nakakasawa na rin. Haha. Sa wakas ay natuto na rin akong magsawa dito.)
Hindi ko alam kung kailan ako magrereturn of da kambaaaak. Pero sigurado akong magbabalik din ako ---with or without vengeance--- siyempre naman of course!
Oh siya sige mga pipol op Da Pilipins. I'll be back! Hanggang sa muli! Au revoir! Ciao! Aloha! Adios! Hasta la vista.. Hasta la proxima vez (hehe)! Sayonara! BabayOoOoOoO! ^_______^
No comments:
Post a Comment