Sa ngayon, napadami ang gusto kong i-anunsyo, i-chika, i-share, i-chorva... Ang kaso hindi ko na naman alam kung ano ang uunahin ko! Andito na naman po tayo. Kamusta naman di ba? Siguro i-eenumerate ko na lang muna... Pero hindi ko na i-eelaborate. Katamad. hehe.
- Ang panahon. Grabe, ang ginaw ah! Para bang nagbabalik ang sa mga buwang papalapit ang Pasko. Parang mas-feel ko ang lamig ngayon kaysa Pasko. Astig naman yun! Hahaha. Bakit ba ngayon na lang naging ganito ang panahon? Mas malamig pa kaysa dati? Ni hindi nga ako makaligo nang matino (ke magpa-init pa ng tobeg. Sos.) Malamang kayo, feel niyo din ang weather-weather ano? Snow na lang ata ang kulang. Toink
- Ang mga events sa buhay-buhay. Bawat araw, may mga pangyayaring simple o hindi man masyado.. Inaasahan o hindi din masyado.. Gusto o hindi gustong dumating... Pero in fairness sa paglipas ng bawat oras eh nari-realize kong may mga bago pa rin akong nadidiskubre at natututunan. Lessons in life nga naman oh. May mga bagong darating, at kaagad mong makukuha ang purpose nun. Tapos iaapply mo kaagad. Pero may iba namang kailangan mo nang i-apply agad kaso, hindi mo pa rin napupuna. Kaya para itong si Mike Enriquez, hindi ka talaga tatantanan hanggang hindi mo nagegets. Yun lang pala yun. Ganun lang pala!
- Anu pa ba? hmmm.. Ang bilis ng oras. May mga pagkakataong basta ko na lang nirereminisce ang mga good ol' days of the yesteryears. Tapos mapapagtanto kong kay bilis na pala ng panahong lumipas! Parang kahapon lang nang mangyari ang mga 'yom, pero ang totoo, taon na pala ang nagdaan simula nang maganap 'yon! Ibang klase.. Can't believe it..
Yun na lang ang masasabi ko sa ngayon. Ang pinaka-summary ng lahat. Medyo sidetracked din kasi ang utak ko sa iba pang bagay (Malapit nang magmidterm! GAS!). Kaya ayan na muna. Bow.. XD
2 comments:
naku, tumpak ka dyan sa napakalamig na panahon! grabe kahit anong oras ako gumising umaga, tanghali, gabi malamig pa ren. At ano nemen ang mga nirereminisce mo iha aber? lablayp ano? yiheee. Okay lang yan...masaya talaga ang love lalo na sa ganyang stage..at lalo na sa pamantasan..weee.
Basta make syur na hindi mapapabayaan ang studies ha. saglet lang naman yan after ng pag-aaral mas marami ka ng taym for lablayp and everything else. Kaya prioritize muna studies and you'll never regret it. Thanks for listening sa mga payo ko. Consider me as your big sis from now on okei?
Send mo nga pala sa kin fs email mo and plurk username so i can add you.
*mwahugs*
ate salamat po uli sa pagbisita! Hehehe, with matching comment pa! ^_^ Hindi naman lavlayf nirereminisce ko eh.. hehe.. Yung childhood days tsaka yung high school years sa province.. Ang saya nun! As in, hehe.. Wala naman talaga akong lavlayf na marereminisce, TSK, TSK! HEhehe.. (gawa-gawang lavlayf ata, meron!)
Sa tingin ko no need na para isend pa po yung email ko sa'yo.. hehe..
Post a Comment