Ganito nangyari ang third part ng "seryeng" ito...
Siyempre, Math subject namin nun (ano pa nga ba!). Naantala nang ilang minuto ang klase namin nang may dumating na mga taga-SSC para i-aannounce ang isang course/org fair. Basta yun na yun, at pagkaalis ng mga officers, napunta na naman sa kurso ang usapan namin. Tapos, sinabi na lang ng Math prof naming, "Miss Bucu, mag-BS Math ka na ha!"
Medyo nagulat din ako nung bigla akong tinawag ni Ma'am. Hindi ko kasi inaasahan yun, na sa pangatlong pagkakataon ay talagang sinabihan ako ng teacher namin an yun ang kunin, ang BS Math nga. In fairness ha, consistent din siya! Ako lang talaga ang pinepersuade niya nang ganoon, tapos sa harap pa ng buong klase kaya agaw-eksena, hehe (Kasi nga, gaya ng nabanggit ko sa parts I and II, ako lang ang nag-iisang nilalang sa block na yun na mangangahas pasukin ang mundo ng Bachelor of Science in Mathematics. Arrrrrgh!). Akala pa ata ni Ma'am na napipilitan lang akong isama sa mga choices ko ang nasabing kursong 'yun. Hindi siguro narinig ni Ma'am nung sinabi kong, "Ma'am, hindi naman po [ako napipilitan]..." BS Math, go, go, go!!! haha.
Pagkatapos ng insidenteng 'yon, ano na nga ba ang nangyari? Ayun, ang bagong tawag sa akin ng ilang mga kaklase ko eh 'BS Math' ("Tigilan ninyo ako!" Kunwari pa ako!)... Halos ipalit na nga nila yun sa given name ko (Papalitan ko na niyan ang screen name ko sa FS at Multiply, 'BS Math' na rin. CHAROS!). May konting SPEKULASYON pang FAVORITE NA DAW AKO NI MA'AM??????? (Ganun! Peyborit, ako?!?? Kaburi ku naman kanta! Wahaha! In my dreams!) Charos lang uli!
***
Eto, ngayon, BS Math nang talaga ang first choice ko (nasusundan ng BS Psychology at BMassComm). Pero ang pinakagusto ko talaga eh siyempre naman of course, ang Math, kaya nga 'yon ang first choice ko eh!
Siguro dapat na rin akong magpasalamat kay Ma'am dahil kung hindi niya ako "pinilit" o "kinulit" o "pinersuade" o chorvaloo na mag-BS Math eh hindi ko tuluyang marerealize na:
- Kaya ko pang magmove-on mula sa masaklap na impluwensya ng tumataginting na 2.5 ko sa College Algebra last sem, at
- May pag-asa pa talaga akong makapasok at magpursue ng kursong may kinalaman sa talagang passion ko, ang.. yun na nga, ang Math (nakalimutan ko ang Filipino translation nito, ia-update ko na lang. wahahaha)...
Hopefully, talagang maka-"lusot" na rin nga ako dito, sa college na kinabibilangan ng kursong nabanggit, dahil ito talaga ang itinitibok ng puso ko *arooooy*. Not to mention, marami-rami na rin ang mga ka-chokaran kong estudyante at teachers sa College na 'yon.... Wahahaha! Echooooos!
Ibang level na ito. Go, go, go, steady lang. Todo na 'to! GO, BS MATH! AJA! Kayang-kayang kayanin ito!!! :P
(Abangan ang susunod na kabanata nito... Tuluyan na nga ba akong magiging isang BS Math student pagdating ng June?)
1 comment:
woi, wag na nga natin pag-usapan yang College Algebra na yan at sumasakit din ang dibdib ko lol..ako ata ang hindi nakapag-move on haha.
Anyway, goodluck sana nga makuha mo na yan.
Yung tag ko nga pala sayo hindi mo nabasa oh..oo kasali ka dyan!
http://romancinghelena.com/2009/02/whatever-10-ten.html
Post a Comment