- Ang mga [SUPER EPAL] na sikyo. Bow. Okay, sabihin na nating ginagawa lang nila ang trabaho nila. Pero sa totoo lang isa ako sa mga hindi nasisiyahan sa mga ginagawa nilang yan! Epal! Buset! As in talaga, grabe! Sa school pa lang nga, nasira na ang intro ng Tuesday na ito dahil keaga-aga, sinita ba naman ako, at pinapirma ako sa violation report chorva! Buset talaga! (Bakit, hindi na ba ako mukhang matinong estudyante ng Pamantasan kung hindi ako magpapalit ng PE unifrom ko??) Here's the catch: ako ang nakapagbuena mano sa pirmahan na yon! JOSKOH! Kung bakit kasi natiyempuhan ko na naman yung mga panget na yun, kaya badtrip na badtrip talaga ako sa kanila. At eto pang matindi, matatapos na lang ang araw ko, masisira pa, dahil sa isang sikyo na naman! Super epal din talaga! Ay naku! Hindi lang epal, shongaen pa! Naku talaga! Ayoko nang i-detalye pa ang mga pangyayari, basta ang alam ko sa mga oras na yon eh nagpipigil na akong maghysteria doon at magmura na ng lahat ng mga nag eexist na mura sa mundo. Echos lang, OA na yan di ba.. harharharhar. Basta epal talaga yang mga sikyong yan. HMPPP!
- Ang PED12f-30.. Softball. In fairness ha, habang tumatagal eh lalu na akong nag-eenjoy sa subject naming ito. Kung dati kasi eh halos magkandangalay-ngalay na ako sa pagtayo lang sa field, nag-aabang na bolang sasaluhin at ipupukol, o kaya nagpapa-strike three na lang para makapag-advanced sa next base at makapag-home run, ngayon eh hindi na! Mas nagiging interactive at maaksyon na rin ang game at mas may effort na ang bawat home run namin. hehe. Napagod at pinawisan na nga ako sa kakatakbo at kakahabol ng mga softball na lumilipad sa ere, at sa pagtakbo sa pagpunta sa next base dahil natira ko agad ang bola (Uy, hindi na ako naka-strike! haha, effective ang ritual ni Mamon)... What on earth am I talking about? Wala lang, napagtripan kong chumika tungkol dito. (Ngayon na lang talaga ako nakapaglaro nang ganito. hehe).
- Ang Sodexho. Bow... Basta I love Sodexho! And I love National Bookstore, too! Hehe.. "ADIK"!
- Ang soprano flute-recorder. Brand new! Sa wakas nagkaroon na rin ako uli ng flute! Makakatugtog na rin ako uli! Namiss ko talaga yung instrument na yun at matagal-tagal din akong hindi nakahawak at nakatugtog nun dahil nga nasira yung naunang flute ko (Courtesy of my youngest bro. Tonoink!). Ngayon makakapagtawag na ako uli ng aas! Este ahas! Joke lang! Hehe! (Mukha lang flute nung snake charmer ang recorder pero awa ni Lord, wala namang sumusulpot na kamag-anak ni Valentina kapag tumutugtog ako.) At least hindi ko na rin mamimiss ang flute ko dati..
- Ang daming dolphins sa Bataan! Kung nakapanood ka ng balita kani-kanina lang, alam mo kung ano ang tinutukoy ko. Kung hindi, aba'y hindi ko na problems yun ano! Echos lang. hehe. Nakakagulat yung biglang pagsulpot ng hindi lang isa, hindi lang dalawa kundi sobrang daming lumba-lumba sa isang beach sa Bataan! Kapag kayo ang nakakita, magugulantang din kayo, pramis! Sana sa susunod na magpupunta ako ng Bataan para magswimming matiyempuhan ko yung ganun! Ang saya siguro nun! Heheh!
- Ano pa ba ang chika ko ngayon??
Hmmm. Sige wala na rin akong maisip, at tinatamad na akong magtype.. Haha. Basta nagshare lang saglit ng mga gustong i-kuwento.. Ayun. Till next time na lang muna. Hasta la vista, beybeh!
No comments:
Post a Comment