Wahiiiiiii.. Nairaos na rin sa wakas ang unang exam para sa finals. (Countdown na naman po ito! Hayst.. Bakasyon na next week?????)
Bio ang subject namin ngayon. Hindi na ako masyadong nahirapan sa pagrereview dahil napag-aralan ko na rin nang masinsinan at dibdiban ang mga lessons na nasa scope ng exam, para sa mga naunang long tests namin. Parang inuulit-ulit ko na lang nga ang pagmememorize sa mga important details eh.
Pero ngayong mismong final exams, hindi talaga ako masyadong satisfied. Mas satisfied pa nga ako sa mga long exams namin nung nakaraan. Hay naku. Ewan ko ba. Pakiramdam ko kasi marami talaga akong maling isinagot. Nagkahalu-halo na rin ang mga info na lumulutang sa utak ko. Kakadisappoint (arooo, GC ano!). Pero pakiramdam ko pasado pa rin naman ako...
(Hindi ko alam kung nagmamadali ba ako o ano, nakikipag-unahan sa pagtapos sa exam. Anubayun! Ako nga ang naunang natapos/ nagsubmit ng test booklet ko... Eh para saan ba naman ang pagrerecheck at pagpapalit ng mga sagot mo kung alam mong "ERASURES ARE CONSIDERED WRONG", di ba???)
O siya, limang subject pa ang kailangang paghandaan ko talaga. Hopefullt pasado naman ang lahat nun. At pasado din ang mga grades ko para sa buong second sem. So help me, God.
***
Huuyhuy, anukaba! Mahigit isang linggo ka nang hindi umuuwi ahh? Ano ba, bakit ba ayaw mo pa ring bumalik sa atin? Ganun ka ba talaga ka-bored kaya hindi ka pa rin bumabalik ka.
Galgal ka, ano na bang nangyari sa'yo?????
Umuwi ka na kasi!!!!
Ang dami mong pinag-aalala sa amin. Buset ka.
Parati ko na lang ipinagdadasal na sana, kahit nasaan ka man ngayon at kahit na anuman ang ginagawa mo, nasa maayos na kalagayan ka naman... At sana, mapag-isip-isip mong marami nang tao ang naghahanap sa'yo.
Kaya please lang, umuwi ka na!
No comments:
Post a Comment