Matagal ko na talaga itong favorite (aysus, di ba nga at napakaredundant ko? Hakhak).. Itinuring ko ang Math bilang "LOVE" ko. Bilang isang "ADDICTION." Nakupowww!
Pero noong nakaraang semester, natuto akong magalit dito. Naimbyerna ako sa Mathematics. Naging bahagi din ako --unofficialy-- ng "Anti-Math" Club noon. Ewan ko. Sinumpong ata talaga ako ng pagka-tindi tinding topak.
Hanggang sa matapos ang unang sem, at natamo ko ang aftermath ng "galit" na yun. Ayun. Tumataginting na grade na.. (Kailangan ko pa ba talagang ulitin? Nabanggit ko na rin yun dati, eh! hehehe!)
Ngunit hindi ako basta-bastang sumuko. Hindi ako nagpatalo sa sitwasyon na 'yon. Ipinangako ko sa sarili kong BABAWI AKO SA MATH.. BABANGON AKO [minus the "dudurugin" part] Ifa-FLAT ONE ko yan! (with oh so much conviction! Wahaha! Libre lang naman ang mangarap di ba????)
At dumating ang ikalawang semester. Determinado talaga akong panindigan ang binitawan kong pangako sa sarili ko noong katapusan ng nakaraang sem. At dinibdib ko talaga ang pag-aaral, lalu na sa Math. Kahit na ba wala din akong masyadong background sa subject naming yon, nagtiyaga talaga akong makinig at sumubaybay sa mga lectures ng prof namin. Nagreview at naghanda ako nang matino para sa mga quizzes at major exams. Kinarir ang mga boardworks at recitations.. In other words, nagpaka-GC nang talaga! (Ganyan talaga ako... Kapag sinabi ko, gagawin ko!!)
Ngayon, dumating na ang araw ng paghuhusga.. Napatawan na kami ng karampatang kaparusahan, este karangalan para sa isang buong semester ng pagdurugo ng ilong at pagkakasakit ng bangs namin sa kaka-aral!!
At ang natamo kong grade????
Hindi FLAT ONE!!
Pero malapit na sa uno!! Wahahahaha!! (Pasok pa rin sa range ng grades na ibinigay ko sa sarili ko!! Wahahaha!!!)
ANG SAYA!!
So this is the TASTE OF VENGEANCE!
THE TASTE OF THE FRUIT OF SUCCESS..
SWEET!
ANtindE! Waaaaaahahahahahahahaha...
Hindi ko din halos maipaliwanag ang kasiyahang naramdaman ko pagkakitang-pagkakita ko sa class card na inabot ng teacher namin... Hindi ko din maiwasang mapabungisngis at magbunyi nang wala sa oras dahil doon!!
Ganito pala ang pakiramdam ng MAKABANGONG MULI MULA SA PAGPAPAKATIHULOG! Wahahah! (anu raw kako??)
Basta, MASAYANG MASAYA AKO! Hindi man uno, at least eh MATAAS PA RIN ANG NAKUHA KONG GRADE (YaBanGerZ ehHh! Wahihi ^____^).. Mas mataas na kaysa dati!! (Take note, ang layo pa ng agwat ahhh!)..
Bawing bawi!!
VENGEANCE IS SWEET!!
THE FRUIT OF SUCCESS IS SWEET!
THIS IS THE LIFE! HAHAHA! :P
(let me savor each and every moment of it! wahehehe ___ Ang dakilang GC. *bow*)
THE FRUIT OF SUCCESS IS SWEET!
THIS IS THE LIFE! HAHAHA! :P
(let me savor each and every moment of it! wahehehe ___ Ang dakilang GC. *bow*)
1 comment:
hi sam. wala lang. bisita lang sa blog mo. curiouzzz lang. gusto ko sanang basahin kaso inatake ako ng katamaran... hehehe. t8k care anyways..
Post a Comment