Intro 1:
06.28.09. Sunday.
Bago ko tuluyang tapusin ang nakatenggang homework sa Math Ana I at ang labahang chenez, parang mas gusto ko munang karirin ang pagsusulat...
***
Intro 2:
Sumasakit na naman kasi ang ulo ko, siguro kasi iniintindi ko na naman yung posibleng solution sa isang problem na hindi ko pa nasasagutan. O kaya dahil sa pag-eexpect ko na sasakit na rin ang likod ko sa paglalaba mamaya --- nakakasakit na pala ng ulo ang pag-iisip sa isang future act of kasipagan. Charing.. O dahil pinapairal na naman ni Red, ang bunso kong kapatid, ang kanyang KKK o "Kalikutan, Kakulitan at Kapangitan" at nag-uumpisa na naman akong mangunsume nito. Harhar.
***
[Pero di ba't madrama naman talaga ang buhay sa mundong ibabaw? Toinks.]
Ngayon, medyo na-feel ko na rin nga itong pagpost.. *inhale.. Outhale.. lolz*
Susubukan kong gawin ang post na ito na hindi masyadong mahaba at madrama. Aru neh..
***
Hayaan ninyong magshare ako tungkol kina Kookie, Sidney at Red, ang tatlong espesyal na miyembro ng aming pamilya.
Si Kookie (given name: Sean Katherine), ikatlo sa aming magkakapatid. Sa August eh 14 years old na rin siya. Siya ay learning disabled, at sa edad niyang 'yan ay nasa grade 4 pa lang siya. Dati siyang nag-aaral sa isang special school, pero ngayon, obviously naman eh nasa "mainstream" o regular school na. Pag may topak si Kookie, o kapag inasar siya, o parehas, napaka-nonsense at incoherent ng mga statements niya. Nakakatuyo ng utak na kausapin ito kapag ganun. Pero sa lahat naman ng mga learning disabled, siya lang yata ang may sobrang tatas na memorya. As in.
Meet Sidney (Sidney Rain), 10 years old, pang-anim sa aming magkakapatid. Siya ay may autism . Pervasive developmental disorder, to be exact, and if I'm not mistaken. Kung sakit sa bangs o nose bleed ang hanap mo, si Sidney naman ang kausapin mo. Papaano ba naman, para siyang isang totoong foreigner dahil sa kanyang "twang" sa pag-spokening dollar niya. Kapag kinausap ka niya in English (marunong din naman siyang mag-Tagalog eh. Inglisera lang talaga siya) siguradong mapapa-English ka din, WHETHER YOU LIKE IT OR, most of the time, NOT. Ang kaso naman, kapag bilog ang buwan, hyperactive siya kung hyperactive, madaling ma-agitate at ang pinakamalala, tumatakas pa. Basta, 'yun na 'yun.
PANINGIT: Speaking of pagtakas, kasalukuyan pong nawawala ang kapatid kong si Sidney. Tumakas nga siya, nung June 16, 2009, Tuesday. Namataan na rin siya noong mga nakaraang linggo, pero, ayun nga, hindi pa rin siya nakakabalik. Kalerkey.
Kaya, humihingi lang po ako ng konting pabor sa inyo [asan na nga pala kayo? YooHooO?]. Kahit na sana ipagdasal na lang po nating kung nasaan man ang bruhang yun eh ligtas siya, at sana makabalik na rin siya sa amin. Kasi hindi ko din naman alam kung saang lupalop na nga ba siya dapat hagilapin. Yun lang po. Salamat na rin.
Anyway, back to business...
And last but not the least, si Red (Red Stuart). Bunso namin. 5 years old. Hindi pa rin namin siya naipapa-assess, pero malakas ang pakiramdam kong autism din ang disorder niya. Sa edad niyang limang taon eh hindi pa rin siya nakakapagsabi ng matitinong salita, kadalasan puro gibberish (na parati naming sinusubukang i-decode o i-decipher o i-depict o chenez. Hay buhay, no). Halos lahat ng mga makikita niyang bagay, laruan niya; mula sa sipilyo, pinggan, tabo, platito, siyansi, kawali, water container, kutsilyo (huwat kaniyo!), kumot, unan, atbp., at ang tirahan namin ang nagsisilbing playground niya. Parati ngang mukhang dinaanan ng sampung bagyo at kalahating dosenang lindol ang "tirahan" namin dahil sa kakulitang pinapairal ni Red (pati ba naman yun, chinika). Pwera pa yan pag talagang tinopak pa nang todo-todo ang batang 'to. Ayoko nang i-elaborate pa. Basta nakakasakit din ng bangs nang bonggang bongga ang pag-aalaga sa isang tulad ni Red.
So, ayan, nakilala na ninyo ang mga kapatid kong special children. Pero hindi pa talaga sapat ang mga nabanggit na yan, eh. I think you really still have to see for yourselves.
Si Red..
Si Kookie..

Si Sidney..

Ako at si Sidney..

Solo ni Red

Halloween party nil sa skul. Si Sidney at isang kaklase niya.

Akala mo naman, close sila. haha.

Si Red din yan. Nung long hair pa siya (kakalokang gupitan ng buhok yan no. haha).
***
Naturalmente napakahirap at napakachallenging ang magkaroon ng MGA kapatid na special CHILDREN. Kung nga ang magpalaki ng isang normal na bata, napakalaking sakripisyo na, pano pa kaya kung special na?!? Tapos, tatlo pa?!?...?!????!????
Kumbaga, "let's volt in" ang asta nila lalu na kapag sabay-sabay silang tinamaan ng sumpong nila. At sinasabi ko sa inyo, hindi lang 'yon napakahirap, understatement pa 'yan kung tutuusin. Ang mag-asikaso sa tatlong special children ay nakakakunsume, nakakatuyo at nakakatuwid ng utak, nakaka-internal hemmorhage, nakaka-drain ng energy at ng kaluluwa, at, frankly speaking, nakakagulo na rin ng buhay-buhay.
Sa totoo lang, yun na rin ang naiisip ko kung minsan. Gulung gulo na nga ang lifestyle namin dahil sa pagkakaroon ng mga batang kapatid na may samu't saring disorders. Hindi na mukhang tirahan ang itinuturing naming tirahan dahil sa kaguluhan ni Red; tumataas nang wala sa oras ang blood pressure naming lahat at kung minsan, nagkakasakitan pa kami, kapag naghihysteria na si Kookie; sumisikat, at kahit hindi man namin aminin, napapahiya kami (pero hindi ibig sabihin nun eh ikinahihiya namin sila, magkaiba yun di ba?) sa agaw-eksenang pagtakas ni Sidney. Madalas hindi ko na rin alam kung ano pa ang gagawin ko sa mga machurang ito, eh. Sumasakit na ang bangs ko. Gaya ngayon. Woot.
Napakalaking sakripisyo at napakabigat na responsibilidad ang ganito, no? Lately, parati ko na ring naitatanong sa sarili ko kung bakit kailangang maging learning disabled si Kookie, at maging autistic sina Sidney at Red ---- Baket??? ---- Tapos, yung iba, [mukhang] normal naman ang mga kapamilya nila...
Masakit din talaga sa isipan at sa kalooban yun, pero pinapalubag ko na lang ang loob ko. Kailangan talaga naming tanggapin at harapin ang obligasyon namin sa kanila; miyembro pa rin sila ng aming pamilya kahit naiiba sila, hindi ba? Tutal, katulad din naman ng sinasabi ng karamihan, kaya naman ibinigay sa amin ng Panginoon ang tatlong machurang kapatid ko dahil alam Niyang yakang yaka ng beauty powers namin na harapin at iraos ang bawat sitwasyong ma-eencounter namin para at dahil sa kanila, kasama sila. At ika nga, dahil triple ang sakripisyo ay siguradong triple-triple-triple din o higit pa ang magiging biyaya namin dahil meron kaming Kookie, Sidney at Red sa aming buhay-buhay. (May ganun?!) Yun yun, eh.
Outro:
Dito na natatapos ang sharing-sharing ko tungkol sa napaka-espesyal na parte ng buhay-pamilya ko.
Hindi pupwedeng habaan eh, ano?
Pero, madrama pa rin ba? Tonoink.
Anyway, sana marami kayong napulot ne echos (hehe) sa isang post na ito. Sana eh nag-enjoy din kayo kahit paano (naku, eh ito na yata ang pinaka-dinibdib kong post so far..)
Paki-comment-an na rin lang. Please. Dahil hangga't walang nagpaparamdam ng presensya sa comment box nito eh walang matinong post na susunod dito. (Sabay ganun. As if naman. Lolz)
Siya. CiaO. :))

Postscript:
Idinededicate ko rin pala ang post na ito sa lahat-lahat na ng mga special children, pati na rin sa mga mahala nila sa buhay, na gaya ko, pinoproblema din ang pagtataguyod sa kanila. :))

No comments:
Post a Comment