Oki. Last na ito ngayon. PRAMIS.
***
Eto, midterm week na naman. Dapat nga eh hindi na ako nagsusurf ng ganito ngayon, at nasa bahay lang ako, magpapakasubsob sa pagsusunog ng kilay at magpapaka-baliw sa pagtapos ng lahat ng mga skul work na iniwan sa amin ng mga profs namin.. Ang kaso hindi ko talaga
mapigilang magchika tungkol sa mga issue sa senado.. este sa skul.. chuva.
Ayun nga, second year na kami ngayon at meron nang kurso, BS Math to be more specific. Sa totoo lang, nitong mga nakaraang buwan, hindi ko pa talaga ganap na nararamdaman ang kurso namin. Oo nga't may major na kami, pero andun pa rin yung feeling ng nasa Gen Ed pa rin kami, para bang first year lang uli (kung hindi ba naman isang buong taong walang kurso, hindi magiging persistent ang nasabing feeling na yun?!). Masasabi ko na nga sa mga tao ang specific course ko pag tinatanong nila ako, pero "may puso" o "may laman" na ba yun sa tuwing sasabihin kong "BS Math po." Parang wala pa masyado eh.
Kaya lang, hindi naman dapat ganun di ba.. Ang dapat eh ma-feel ko na talaga ang kurso kong ito.. Dahil.. Dahil.. Bakit nga ba? *tonoink*) Dahil future ko rin ang nakasalalay dito. At kailangan kong makarir ito nang maigi para maging maganda ang kinalabasan.. Dahil kung damang dama ko na ngang may kurso na ako ngayon, siyempre mas dama ko na rin ang pagkarir dito. Gets ba? *tonoink ule*
Naku bonggang bonggang bengga na naman ang sumalubong sa amin kaninang umaga, mula sa aming prof sa Physics Lab. In fairness, pang-apat na siya sa lahat ng mga prof na nambengga sa amin, o kahit sa isang student mula sa klase namin. Una na kaming napagsabihan ni prof sa Mathematical Analysis I, ni prof sa Panitikan ng Pilipinas at ni prof sa Intro to InfoTech. Grabe talaga...
Tatlong prof na lang ang hindi nambebengga sa amin, at hopefully never nang makapambengga pa: sila profs sa Rhetoric, sa, ahem, Physics Lec and last but not the least ang amin ding adviser na prof din sa Advanced Algeb (kaya nga umaasa ako na huli na si Ma'am Borja sa mga naimbyernang byuti sa amin.. dahil matindi kung matindi talaga pag ang adviser namin ang nagalit.. Gas.. hehe.. :))
Hindi ko nga alam kung bakit sunud-sunod talaga kaming napagsabihan ng mga prof na nabanggit. Simula nung Thursday - 1st, 2nd at 3rd period eh nasabihan talaga kami-kaming magkaklase. Tapos, kaninang umaga din nga, nasabihan kami. May nagkakapareho sa mga napuna sa amin ng ibang prof, pero may nagkaiba din naman. I wonder what might be the problem with us, BS Math II? Nasobrahan lang ba talaga kami sa kadaldalan at ka-hyperan, at naiirita na rin sa amin ang ibang prof namin? Mababait naman kami ah (ayon na rin sa aming adviser... Hindi naman daw joke yun no!).. Hindi masyadong maganda ang pangitain ko sa mga nangyayari sa amin ngayon. Dapat na talagang maresolbahan na ito ngayon, kung anu mang epal ang namumuo sa school environment namin.. Nakupo.
Ang echos ko talaga.. Alam ko na ngang marami pa akong kailangang tapusin at pag-aralan tapos andito pa ako sa harap ng computer at nag-aupdate tungkol sa kung anong chuva. haha.. Adiktus.
(feel ko talagang magshare.. pakiramdam ko kasi medyo nababawasan ang pressure kapag naisheshare ko ito.. Ata. wahehe.)
Anyway.. Eto nga't midterm na tapos dagsaan pa ang mga skulwork na dapat tapusin. As in buong linggo, kung hindi man exams ang dapat naming kaharapin eh written reports, homeworks, projects at ang usual stuff na binibigay ng mga prof sa mga estudyante! Anubayun! Bongga nga eh, kasi naman kung kailan midterms eh dun din sila nakipagsabayan sa pagbibigay ng trabaho.. Kung kailang midterms na!
Ngayon na lang talaga naging ganito ka-hectic at ka-demanding ang sked ko.. Buti nga may intervals pa rin ang mga araw na papasok ako sa skul pati ang mga deadlines na kailangan kong i-meet; at least eh medyo nakakahinga pa rin ako, kahit ilang segundo lang.. Pero madugo na talaga ang mismong pagtapos sa mga gawaing yun.. Ay naku! To think na sophomore pa lang naman ako. What more with the semesters to come pa di ba?!
Iba na talaga kapag college.
AJA na LANG sa BYUTI ng LOLA NIYO! WoOot!
Siya, sige. Baboo na. Isang linggo o mahigit na naman akong mananahimik nito. (Kapag sinipag talaga ako sa skulwork no. Hopefully. Wehe)
Sayonara. ;P

No comments:
Post a Comment