Pages

Tuesday, September 29, 2009

O. M. G.: Ondoy, My GAS!

Grabe ang pananalasa ng bagyong ONDOY! As iN! kakaloka nang bonggang bongga! Anu ba yan, galet ba siya sa atin?? Bakit ganun??

Seriously, alam ko kung gaano talaga katindi ang pagdating ng lolo nating si Ondoy. Hindi talaga biro yon. Ako mismo, naging saksi sa pananalasa niya sa Maynila pa lang.. Ou, sa Maynila pa lang naman, kasama ko ang ilan sa mga kaklase ko. Tapos sa Pasay din, solo flight na ako pabalik sa bahay namin (patawa.. Hanggang hita na ang baha nung nakarating ako sa may Taft Avenue nung hapong yun. Kinabukasan, wala nang tubig???). Pero bukod pa doon, well, naging biktima na rin kasi ako at ang pamilya ko ng bonggang bonggang pagsakop ng maraming maraming bagyo sa mga nakalipas na taon, at parang nakarelate na rin ako sa mga dinaranas ngayon ng mga kababayan natin (although I still have to admit na mas GRABE pa rin to the nth power ang karanasan nila..)..

Ganyan talaga ang buhay, eh. Hindi natin malalaman kung kailan, saan, at higit sa lahat, sino ang pag atake ng Inang Kalikasan. Wala na rin talaga tayong ibang magagawa, kundi patuloy lang sa pagkapit sa pananalig natin sa Panginoon, at ang pagdarasal na sana kahit anong mangyari, kahit saan man kami maparoon at kahit anuman ang magawi namin, sana patuloy Niya lang kaming inaantabayanan at ginagabayan. Na sana, panatilihin Niya kaming ligtas sa lahat ng oras.

Para naman sa mga kababayan nating naapektuhan ng pananalasa ng bagyong Ondoy, narito ang isang panalangin ko para sa inyo.. Gaya nga ng sinabi ko kanin, alam ko kung gaano kahirap ang dinaranas nila hanggang sa mga oras na ito. At sa ngayon, ang magagawa ko na lamang para makatulong sa kanila ay ipagdasal ang ikabubuti nilang lahat.. at sana kahit anong mangyari ay manatili silang matatag, sa kabila ng lahat ng mga dinanas nila sa loob ng mga nakaraang araw.. huwag sana silang maubusan ng pag-asa, at sana dumating din ang araw, at siguradong darating din 'yon, na tuluyan din silang makakaahon mula sa isang matinding dagok ng buhay na kinaharap nila.

***

Anubayun! Hanggang Sabado, walang klase ang mga college students! Kamusta naman yun??

Hindi ko alam kung matutuwa na rin ako o ano.. pero maituturing ko na rin kasi itong blessing in disguise eh. Baket? Kasi una sa lahat, walang kwenta ang "sembreak" kuno namin sa taong ito. Ibig sabihin, partly, eh bakasyon na rin itong maituturing. At pangalawa, mas may oras ako para tapusin ang mga unfinished businesseseseseses ko sa skul.. (Well, I'm also having thoughts of volunteering for outreach work, you know, para nga sa mga nabiktima ng bagyon.. hayst!)

Ang nakakalungkot lang, walang valid reason para humingi ng BAON. ngaaaay. Hayst.

No comments: