It's been 3 years since the last time I saw this series, JEWEL in THE PALACE... Tandang tanda ko pa noon ang halos bawat epi ng K-dramang ito. Eh paano ba naman, ito na talaga ang kinabaliwan ko sa lahat ng mga Koreanovelas, maging sa lahat ng mga palabas na pupwede kong kabaliwan. Pati mga artista dito, kinalokohan ko din. AS IN!
Lumipas ng panahon at medyo humupa ang Jewel Fever, lalu na para sa akin. Marami pa akong ibang kinabaliwan pang palabas at artista, lalu na't Hollywood pa ang mga yun. Pero it wasn't until very recently when I've come to see several videos, like one embedded above, of Dae Jang Geum (Korean title for "The Great Jang Geum") on Youtube, and I've realized that I AM STILL HOOKED on IT.
Mahal na mahal na mahal na mahal ko pa rin pala ang JITP hanggang ngayon, almost 4 years simula nang sakupin nito ang Philippine Television. At nabibighani pa rin ako sa mga eksena ng seryeng ito, at siyempre pati sa mga artistang nagsiganap sa mga karakter na talagang hindi ko malimut-limutan. Nagbabalik na sa akin ang mga taong baliw na baliw ako dito, at hindi pa ako nahuhumaling sa blogging at kung anik anik sa world wide web, kaya puro Jewel in the Palace o Yang Mi Kyung o Lee Young Ae o Kyun Mi Ri (Lady Choi!!) o Ji Jin Hee (Kapitan Min, "My Love"! haha!) ang sinesearch ko sa tuwing mag iinternet ako (at sila ding mga primary photos ko sa Friendster! haha!). Naaalala ko na naman yung mga oras na parating bukambibig ko na lang ang seryeng ito, as in para na akong sirang plaka; mapasaang lupalop man ako, kahit sinuman ang mga kasama ko, puro "Jang Geum, Lady Han, Jang Geum" ang laman ng chika ko. Nanumbalik sa akin yung kalungkutan ko noong hindi ako nakapunta sa Market! Market sa Taguig nung nagpunta doon sila Yang Mi Kyung at Jo Jung Eun (batang JG), ang pagsubaybay gabi-gabi sa halos bawat episode nito sabay lista sa mga memorable lines nila (habang nanonood pa talaga ah!) at pagbibilang kung iilan nga bang episode ang nalampasan (tatlo lang ata eh? Haha!) at nangarap na magkaroon ng DVD set na awa ni Lord, hanggang ngayon hindi pa rin napapasaakin.
Dahil sa pagkahumaling ko dito, na-engganyo akong magpatawag bilang "Jang Geum" (ambisyosa naman diba!); matutong magsalita, magbasa at magsulat ng wika at alpabetong Korean; makapagsuot ng Hanbok na kanilang traditional wear, makapunta ng Korea at makita sa personal ang mga minsang inidolo kong artista (baka sakaling ma-kidnap ko sila at masama pabalik ng 'Pinas.. JOKE YUN!!! :p).. HAAAAAAY! Grabe!
Tapos, eto nga't apat na taon na rin ang nakakalipas (Sa November 7 tuluyang magiging apat na taon! LOLz!).. Second year high school pa lang ako noon, ngayon nama'y second year college na ako. Nakalimutan ko lang na minsan akong naging super duper ruper ADIKTUS sa DJG, pero kailangan ko lang palang makapanuod ng mga Youtube vids para mabuhay muli ang FEVER na ito..
And now, I proclaim, I am ONCE MORE, ADDICTED to JEWEL in the PALACE!
The hell I care kung "laos" na ito? The hell I care kung matagal na itong hindi nagpaparamdam sa ere ng Philippine Television?! Eh sa MAGANDA ITO! Ito na nga ang pinakamagandang Koreanovelang dumating sa history.. Haha, me-ganun?!
Basta, JEWEL in the PALACE is still THE BEST!
Dae Jang Geum, Lee Young Ae, Yang Mi Kyung, Kyun Mi Ri, Ji Jin Hee, TANGSINUL SARANGHAMNIDA! :p
No comments:
Post a Comment