Pages

Saturday, March 5, 2011

Return of the comeback.

At dahil bagung bago ang design nito, bigyan na rin natin ng bagong post. Blehhh. :)

May nagbabasa naman ba niyan?

Anyway...

Sunud-sunod ang mga pangyayari. Busy na naman ako sa real world kaya hindi na rin masyadong maatupag ang pagliliwaliw sa WWW. Nung una, medyo okay pa eh. As in hindi talaga ako nababagabag talaga. O hindi ako gaanong naaaburido kahit na nagiging abala na. Dumadami ang mga gawain, may OJT pa, demo teaching, reporting, thesis writing, at 2 weeks from now, finals na naman (Tsk, tama talaga ang naging statement ko before eh: Pag malapit nang mag-finals, dun na dadagsain ng sandamakmak na trabaho). Ngayon, unti-unti ko nang nadadama ang pressure. Pati stress. And everything else that follows. Wushoo.


  • OJT - actually, last day ko na kahapon. Pinaabot ko na hanggang Friday kahit na ba nung Tuesday pa talaga ako natapos. Bakit ba? Eh gusto ko nang ganung sinasagad hanggang last week day na; kumbaga parang sa palabas lang yan sa TV. Haha. Anyway, nakumpleto ko na nga ang required na time para sa practicum ko; sumobra pa nga eh. Maayos naman ang endpoint: Marami akong natutunan hindi lang sa trabaho pero pati na rin sa pakikitungo sa iba't iba pang mga uri ng mga tao. Nakadama na ako ng isang atmosphere ng office na gaya sa assigned department ko. Higit sa lahat, nakahanap na ako ng posibleng oportunities ko para sa future kapag dumating na ang time na kailangan ko nang maghanap ng trabaho... All is well, in general. I know I could have done better... I SHOULD have done better. But then again, that's the high-standard part of me speaking. As far as I know, I have given my best for this practicum. And, thankfully, the result is "very satisfactory." Hehe. OLATS PA BA YUN?! ... Mamimiss ko din nga ang office na pinupuntahan ko for the past 3 months. Pero siguro magbalik na rin ako dun pag nakagraduate na rin ako.
  • Demo-teaching? - Okay na rin naman. Not exceptional ang performance ko, at sa tingin ko yun din ang magiging feedback sa akin ng prof namin. Pero I've done my part. Nakasunod din naman ang mga tinuruan kong freshmen (Well, matatalino din naman sila)... The paranoid part of me says I kind of looked like a moron for some moments during my one-hour demonstration... But shrugging off that idea, I know I have done good, at the very least. Okay na nga yun. Pasado na yan... I hope!
  • Reporting. Homeworks. Thesis. Quizzes. Ang daming kailangang gawin no? Tapos, eto ako nagliliwaliw sa blog ko. Mabuting bata, ika nga. Isang napakagandang ehemplo. Aysusginuoh. Haha.
***

Maiba nga muna tayo... Kagabi, medyo nakapag-isip isip lang din ako sa nagiging takbo ng buhay ko. At alam kong sa isang point eh magulo din ito ngayon. Kaya nga marami din akong ayusin sa buhay na ito. Para sa ikabubuti ko, siyempre, at para na rin sa ikabubuti ng mga tao sa paligid ko. (Kaya ba hindi ko maatupag ang pagkakaroon ng sariling boypren? Dahil marami pa akong dapat ayusin at dispatsahin? LOLZ)

Masasabi kong may impluwensiya din ang katatapos lang na practicum ko at ang mga panibagong experiences ko sa nagiging register ng utak ko sa mga pangyayari ngayon... Para bang may nagbago din sa akin kahit paano. Ngayong nakapag-isip-isip ako, nag-uumpisa na rin akong magplano para sa mga dapat kong gawin at tapusin sa darating na panahon.

I know, I have to take another step closer towards complete maturity, since the situations oblige me to do so... Anyway, I'm not getting any younger at all, eh.

***

Siguro kailangan ko na ring bawas-bawasan ang kagaslawan ko. Hahahaha... Being slightly [?] misbehaved at some instances is perhaps still forgivable, especially for someone like me who isn't even out of the teenage years. And my point is? Wala, share lang nga. Bakit ba? Blog ko 'to :p

***

Nakakapanlumo. Nakakahapong mainlababo. Lalu na para sa isang taong "hindi na karapat-dapat" pang paglaanan ng ganitong damdamin. Bakieeet. Bakieeet kailangang maging ganito ang takbo ng mga pangyayari? Sus.

Ako, kung hindi advanced eh delayed na kung magreact. Kung hindi man, madalas bad timing... Swerte kung good timing na talaga. Tsk.

***

Sige, Samantha Anne. Magbabad ka lang diyan. Matatapos mo ang thesis mo, grabe. Harharhar.

***

September - Earth Wind and Fire

No comments: