Pages

Monday, February 7, 2011

Ang walang kamatayang pagliliwaliw sa World Wide Web

Research pala ah? Research nga! Research sa Facebook, sa YouTube, sa Blogger... Marami ka talagang matatapos, Sam. Napakarami. Haha. Gorabels lang!

Epal lang. Medyo nananahimik pa rin dito sa blog ko. Nagpupumilit lang bigyang-buhay ang website na ito. In fairness halos tatlong taong gulang na rin pala ang AnachroniSaM V.1 (pero hindi pa yan ang pangalan nito noong unang panahon)... Hay. Sa paglipas ng tatlong taon unti-unting nagfafluctuate ang interes ko sa macro-blogging... Meganown?! Ewan ko ba talaga.

Wala nang masabi.

***

Malapit nang mag-Valentine's Day... EH ANU?! May mapapapala ba akong matino sa araw na 'yon?! Nyak! Haha!

***

Anubanamanyan. Ang akala ko pa naman tuluy-tuloy na ang official demo-teaching ko sa susunod na Biyernes (February 18). Pero dahil sa ilang mga pangyayari, mapepreempt pa ito... Sa February 22, Tuesday, na ang date ng demo teaching ko. Oh well. Sana naman makapaghanda na talaga ako. At umaasa akong makakabawi ako sa subject kong Teaching of Math.

***

Tinamad na ako eh. Haha. Kung sa Twitter naman, parang wala akong ibang kausap kundi ang sarili ko. Tsk. Hay buhay.

No comments: