Pages

Saturday, May 28, 2011

Kuwentong MP3

Saglit lang ito. Pramis.

Gusto ko lang naman makapiling ko ang mga paborito kong kanta.
Yun bang kahi saan ako magpunta, pwede ko silang mapakinggan. As in yung napapakinggan ko talaga, hindi yung inaalala ko lang sa utak ko yung bawat melody.

Napasabak na nga ako sa pagbili at paggamit ng MP3 player... Nung una, tuwang tuwa pa ako. Lahat ng mga kalumaang kundiman, harana, balitaw, bossa nova, etc., mapapakinggan ko na talaga.

Kaso dun sumulpot yung mga pesteng aberya. Viruses, malfunction, lahat ng topak. Napeperwisyo na ako sa pagpapabalik-balik sa pinagbilhan ko. LAGI NA LANG! Hindi ko na nagamit nang matino yung gadget samantalang isang buwan pa lang nasa akin yun. Kasama na sa isang buwan yung lahat ng topak.

Nakakainis talaga. Hindi ata talaga pwede sa akin ang maging super techy! TSK!

Wala lang! Nabubwisit na talaga ako eh. Epaaal lang.

No comments: