Pages

Sunday, June 12, 2011

Sige nga. Ipagpilitan natin ang isang ito.

MULING BUHAYIN ANG BLOGGER!

Ganyan naman parati ang naiisip ko eh... Kaso pag inuumpisahan ko na ang pagsusulat ng panibagong post, bigla na lang akong sinusumpong ng katam. Katam as in, katam-maran. XD Pero eto, susubukan ko talagang buuin. Para naman magkaroon pa ng konting saysay ang blog na ito. Parang nakakapanghinayang naman kasi kung matetengga lang ito dito; ang ganda pa naman ng design. Hehehe. Casablanca 'yan!

Eh anu naman ba ang idadaldal ko dito? Randomness strikes... I think.

***

Kakatapos lang ng unang linggo ng klase. Ngayon, eto at paparating na naman ang isang panibagong linggo. So far? Okay naman. Kung meron mang nagbago, ang schedule lang din naman at tsaka ang ilang mga instructors na magtuturo sa amin, pero halos kagaya pa rin ng dati ang mga bagay-bagay (in fairness, sa isang linggo lang ang dami nang nagbago sa sked namin, ang saya-saya... Toinks!). Kami-kami pa rin ang magkakklase; katorse pa rin naman kami. Awa ng Panginoon, hindi naman kami nagkakasawaan talaga. Buti na lang, napapagtiyagaan pa namin ang isa't isa. HAHAHA.

Fourth year na nga pala ako! WAW! Pero ito na nga ba ang huling taon ko sa pag-aaral bilang undergrad student (Weh, ibig sabihin ba niyan eh may balak talaga akong maging graduate student balang araw? Pwede din!)? Hindi ko din masasabi. Inaamin ko, ALANGANIN na ako. Tagilid. At kung anu pang pwedeng maging kahulugan ng salitang 'yun. Medyo nagkaproblema lang talaga lately, kaya nagkaganun ang mga bagay. Kaya, imbes na sigurado na akong makakagraduate at makakamartsa sa April 2012, eto ako at alanganin pa rin. Nariyan ang mga posibilidad, kaso hindi pa rin siguradong-sigurado talaga. Pwede namang ayusin din. 'Yun na rin nga ang isa sa mga inaasikaso ko sa ngayon. Siyempre mas okay pa rin yung makagraduate na rin ako ASAP... Pero kung anu man ang maging resulta nito, sana maging mas maayos pa rin ang lahat.

Yung iba hindi man makapaniwala sa kinahinatnan ko ngayon sa pag-aaral, ang masasabi ko lang eh MANIWALA SILA. Kasi yun ang totoo. Walang imposible sa mundong ito, kahit ang pagsablay ng isang mala-GC na taong gaya ko. HAHAHA. Tinotopak din ako ng katopakan ko kaya andun at andun pa rin yung idea na pwede akong maging boplakz. I'm not perfect. I am Sam. (Wushoot. Corny! Haha!)

Sa kabila ng lahat ng mga kasablayang pinagdaanan at ngayon eh pinagbabayaran ko na (Oo, pinagbabayaran talaga! XD), masaya pa rin ako sa kung nasaan ako ngayon. Alam kong minsan eh mapaglaro din naman ang pagkakataon pero ganyan lang naman ang buhay. May paepal na pangyayari; wala lang, para umepal lang at makigulo, para masubukan ka kung hanggang saan ang kakayanin mo... Sa lagay ko, nasurvive ko pa rin naman ako at heto ako ngayon. Nananatili sa BS Math. Kasi dito ako masaya, kahit naka-ilang semplang na rin ako. Kasi alam ko, eto talaga ang nakatakda sa akin. Feel na feel ko. Pangapad ki ne. :)

***

Ayun, adik na adik pa rin ako sa klasiks. Siguro kung nagkaroon lang ako ng pagkakataon nitong nakalipas, talagang ipinangalandakan ko na yun nang bonggang bonggang bong bong bong bong!!! Kasi naman eh, ang lakas-lakas na talaga ng amats sa akin ng kalumaan. Mapa-pelikula man, o mapa-musika, pati fashion at lifestyle noon eh damay na damay na. AS IN. SERYOSO.

Halos dalawang taon na rin simula nang ma-adik ako sa old films ng Hollywood. Pakana yan ng The Sound of Music! Hanggang sa magtuluy-tuloy na 'yun. Tapos ayan na nga sila Julie Andrews, Christopher Plummer, Ingrid Bergman, etc... Kung sa musika naman, mga anim na taon na rin akong nahuhumaling sa standards, pero sa ngayon lalung lumalala. Habang tumatagal, lalung lumalala. Hehehe.

Sa totoo lang hindi ko pa nga masyadong nalulubos ang kaadikan ko dun eh, kasi kapos din naman talaga ako (Kailangan talaga ma-anda ka rin kapag may ka-adikan ka. Bakit nga ba ngayon ko na lang narealize yun?! HAHA).

At nitong nakaraang taon lang, noong sem break, nag-umpisa ang pinakamalala nang kaadikan ko sa kalumaan─ang pagkahumaling ko sa GOLDEN ERA OF THE PHILIPPINE CINEMA, at sa MUSIKANG SARILING ATIN. Think: Rogelio and Jaime dela Rosa, Tita Duran, Nida Blanca, Pancho Magalona, Gloria Romero, Luis Gonzales, Armando Goyena, Tessie Quintana, Delia Razon, at maraming-maraming-marami pang iba; Celeste Legaspi, Pilita Corrales, Sylvia La Torre, Conching Rosal, Jovita Fuentes, Ruben Tagalog, Ric Manrique, Jr.; Nicanor Abelardo, Miguel Velarde, Jr., Francisco Santiago, Leopoldo Silos, at kung anu-anu pang mga pangalan. Hindi ako adik, noh. Adik na adik na adik na adik na adik na adik [ditto] lang kaya!

Ewan ko ba, iba talaga ang impakto este impact sa akin ng mga kalumaang yan eh. Lalu naman netong sariling atin... Basta 'yung hatak sa akin eh napakatindi kaya ganito na lang ako ka-adik... Itutuloy ko pa ba? Hindi ko pa maisaayos yung ibang mga gusto kong sabihin (dibdiban na itey! Lolz)... Basta, ADIK AKO. At ipinagmamalaki kong adik ako sa mga luma, oldies, classics, vintage, whatevs!

Alam kong napaka-alanganin ng mga kinahuhumalingan ko sa edad kong ito... Pero... ANU NAMAN? Kanya-kanyang trip lang yan, ika nga. Nagkataong eto talaga ang wagas na nagpapabaliw sa akin, as in. Siguro nga talagang nagkamali lang ako ng era na kinapadparan. Pati ang nanay ko, na madalas eh nakukwentuhan ko din sa mga nadidiskubre ko sa nakaraan, napakomento na rin minsan: "Nagkamali yata ako ng taon ng pagpapakapanganak sa iyo." Something like that. XD

Sana maipangalandakan ko pa lalu dito sa blog na ito ang kaadikan ko sa nakalipas... Baka nga yun na lang ang gawin kong silbi ng isang ito, para masaya. Haha. Anuraw?

***

Magbabagong-buhay na ako. Magpapakasawa na ako lalu sa pagkadalaga. Este, saan naman galing ang isang yan?!

Kako, magpapakatino na talaga ako. Aayusin ko na nang bongga ang pag-aaral ko. Para maging maayos din ang resulta. XD

***

Balik sa usapang kalumaan. Sa ngayon eh nala-LaSong Syndrome (Sariling version ko ng LSS, toinks!) ako sa isang ito eh.

Galing ito sa 1939 film na Tunay na Ina (nandito din ang child actress noon na si Tita Duran, nanay ni Francis M.). Si Miguel Velarde, Jr. ang nagcompose ng isang ito, na siya ding may kinalaman sa imortal na Dahil sa Iyo.

Ang sarap lang pakinggan. Una kong napakinggan yung version ni Celeste Legaspi, na kinaaadikan ko din ngayon. At eto nga, na-LaSong Syndrome ang beauty ko...

***

Hanggang dito na muna. I may be back for MOOOOOOORE. Keber niyo naman di ba?

Teka.

May nagbabasa pa nga ba dito??? HAHA.

1 comment:

Anonymous said...

hi sam! thanks for dropping by aliwan avenue! interesting blog; i'll link you!