Pages

Wednesday, June 15, 2011

Isa pa nga!

Dati, in the not-so-distant past, ganadung-ganado ako sa paggawa ng blogposts, lalu naman para sa site na ito. Madalas, on the spot jackpot pa ang mga sinusulat ko; kung minsan naman eh pinaghandaan talaga dahil may pa-draft effect pa akong nalalaman. Halus araw-araw pa 'yun, at gorabelz lang kahit magkandababad sa pag-surf sa Internet, maipangalandakan lang sa World Wide Web ang anumang ideyang bastang sumulpot sa utak ko.

Ngayon naman... Parang wala lang. Once in a RED moon na lang kung makapag-update ako dito. Himala nang maituturing kung makakapag-ingay pa ako dito sa loob ng isang buwan. Hindi ko talaga alam kung ano nga ba ang nangyari at bigla na lang dumating ang araw at nabawasan ang trip ko sa pagbablog dito. Siguro medyo nawalan na rin ng oras dahil pa-hectic kuno ang sked sa eskwela. O kaya naman eh talagang tinatamad na rin ako dahil nakasumpong ang katamaran ko sa pagpopost ko dito... Huwwweeeell, kung alin man sa mga yun eh, big deal pa rin ba? Heto nga't nandito na nga ako uli eh. Hehe.

So eto nga, nakapagpost na naman ako dito. Waw, after so many many many centuries eh madaling nasundan ang pagpaparamdam ko dito. Mukhang sinisipag na naman ako sa pag-iingay ko dito. Sana nga magtuluy-tuloy na rin ito. Kaka-miss din. :)

***

No comments: