Pages

Monday, August 8, 2011

Getch(); \n Return(); HELLO WORLD! Ang walang-kamatayang TURBO C... et al.

Impromptu! At the spur of the moment lang ito. Biglang natripang magpost?!

***

Sa wakas, natapos na rin ang nakakatuyong-utak na program na requirement namin para sa isang subject ngayong midterm. Actually, hindi naman talaga natapos yung program na ginawa ko (solohin daw ba ang paggawa, samantalang group project 'yun! Toyo talaga!). Kaso hindi na talaga kinaya ng powers ng bangs ko, eh. Kulang na lang umiyak ako ng dugo para sa pagkumpleto nun, pagkatapos ng lahat ng pagpupuyat at pagbabanat ng utak na pinagdaanan ko para lang may mapalitaw na program. Bandang huli darating din ako sa limit ko. Halos sumuko na rin ang gray matter ko sa kakaisip ng paraan, gaya ng pagsuko ni Turbo C application sa source code na pinaglalagay ko.

Ang palusot ko na lang, bilang scope and limitation nung program, hindi pwedeng humaba pa kasi hindi na kakayanin ng memory nung application (pero sa totoo lang eh kapos na rin sa oras! Mwahaha).



Ano raw 'yun??? May maichika lang. Para makarir ko na uli ang pag-iingay dito sa blog site ko, kahit na mukhang wala din masyadong napapadaan. 


Anyway. May natutunan din naman ako sa paggawa ng program na yun, bukod sa balik-tanawin ang mga Turbo C days namin dati... Narealize ko na dapat talaga eh nakipagcoordinate na rin ako sa mga kagrupo ko. Para at least eh hindi ako lalung nabuwang sa pagtatrabaho nung program. Ewan ko nga ba at bakit ngayon ko na lang narealize 'yun. Toyo nga talaga.


***

Midterms week na. Kung dati, kapag paparating pa lang ang yugtong ito ng semester, nararamdaman ko na ang pressure. Ngayon, parang kabaligtaran ata ang nangyayari. Hindi ko na yata masyadong na-feel 'yung pressure. Baka na-manhid na ako o nasanay na sa kabangagan ko nitong mga nakaraang araw (sa umaga na natutulog, sa umagang din 'yon gigising para simulan ang araw. Oh, ha! Sinong hindi mababangag diyan?). O baka isa lang itong episode ng delayed reaction ko, at sa mga darating na araw eh magsisink-in na rin 'yung pressure na 'yun. Kung alin man sa mga 'yun ang rason ng "I-don't-feel-any-pressure-right-now-so-far" na asta ko, eh 'yun na 'yun. Maganda ba 'yun o hindi kagandahan? Ang kawalan ng pressure, kako.


***

Lablayp: Blangko. Boplakz. Singgol. As usual. Alam na! Haha.

***

Anubayun. Masabi lang na may blogspot? Toinks? Sensya na, bangag pa rin. Isang linggong puyat lang ito.

2 comments:

Anonymous said...

Mam, Turbo C.... nasa anong time zone po kayo, hehehe... C++ o C# na po tayo ngayon.... hehehehe...

Sam said...

Ay naku Mang Joti. Para namang lingid sa kaalaman mo kung nasaang time zone na ako. Charot. hahaha. Alam kong sinauna ang Turbo C at napagdaanan na rin namin ang C++... Pero ewan ko bakit yun ang pinagamit sa amin.. Toinks