[On-the-spot-jackpot pa rin. Hindi na ako mapakali eh; hindi na ako makapaghintay pang isulat muna ang rough draft ng post na ito bago i-encode. Haha. Excitement much? Overjoyed? :p]
Kasi "Happy Days are Here Again."
Waaaaaahhhh. Ang saya-saya talga!!! Sa wakaaaaaas! Nakalaya din mula sa karimlang ito! hahaha.
Actually, hindi pa talaga lubos na tapos ang mga kalbaryo, este exams namin. May ilan pang pahabol sa darating na linggo. Bukod pa dun eh may topical defense din kami (na ipinagdadasal kong sana, may ma-aprubahang proposal! Para wala nang ulit-ulit at demerit chever pa!). Higit sa lahat, wala pa ang final grades namin (sana pumasa! Papasa ako!!!)
Pero, iba lang ang nararamdaman ko eh—ang gaan-gaan ng loob ko. Para talagang nabawasan ang pinapasan ko sa likuran ko (literal at piguratibo, as in! :p)... Para akong nakalaya mula sa pagkakakulong nang matagal na panahon... Parang nabawasan ang polusyon sa atmosphere ng paligid. Mga ganun?! Harooooh. Iba talaga; pakiramdam ko malaya na akong makapagsaya, happy days are here again ba?!
Theme song ko para sa ngayon. Hehehe.
Umpisa na rin nga ito ng sembreak. Ang dami nang planong sumasagi sa isip ko, kung paano ko gugugulin ang panahong malaya pa ako sa stress ng skul. Wala namang bonggang-bonggang aktibidades eh; gaya lang ng dati: magsulat nang magsulat tapos ipangalandakan sa Internet (nakaka-miss ding magpatuloy nang kwento; lately kasi problemado talaga ako sa feasible na topic para sa proposal namin), tsaka panoorin ang mga pelikulang nakasave sa computer lalu na yung mga pinagdadownload ko galing sa YouTube (Waaah! ROGELIO! I missed you! XD). Siyempre kasama na rin sa plano ang pag-uwi ko ng probinsya, pagbisita sa mga kaibigan ko doon sabay pangalandakan din ng mga nagawa kong storiray, AYIIIIIH. Sarap-buhay? Siguro. Pwede na rin.
Haaaaay...
This is the life. :)
***
Kung may ikinadidismaya man ako, 'yon eh ang pinaggagawa ko mismo nitong mga nakaraang linggo. Nakakadismaya lang, masyado ko na namang pinahihirapan ang sarili ko sa paggawa ng bagay na dapat ko nang tapusin. Kung anu-ano na namang kapalpakan ang nangyari. Bandang huli, marerealize kong hindi naman pala talaga ganun ka-komplikado 'yon, kahit na sa isang punto eh may kakumplikahan na rin 'yon. Hay nakuuuu. Kahit kelan talaga...
***
Pero... Happy days are here again na nga. 'Yun na!
No comments:
Post a Comment