- Ang isa sa mga pinaka-huling parte ng undergraduate program sa college.
- Siya ding pinaka-madugo sa lahat.
- Pinaka-pinagkaka-gastusan din, in fairness (Sabihin ninyong hindi totoo?).
- Hindi ko maintindihan, hanggang ngayon, kung bakit kailangan pang gawin ito. Gaya nga ng sinasabi ko parati, "Sino ba ang nag-imbento ng thesis eklat na ito?"
Hindi naman sa nagrereklamo ako... Napapansin ko lang naman ang mga bagay na 'yan. Siguro naman kahit ang iba sa inyo na nakapagdaan na dito, kahit na gaano pa kayo ka-determinado sa pag-aaral ninyo, nagka-issue din naman kayo pagdating sa parteng "in partial fulfillment of the requirements for the degree chuva chennylyn." Eh sa napakahirap talagang parte ng pag-aaral ang paggawa at pagkumpleto ng thesis 'di ba?
Ngayon alam ko na talaga kung gaano ka-saklap ang parteng ito. Hindi lang oras at pera ang kailangang i-invest mo, kundi pag-iisip mo. Kulang na lang yata pati kaluluwa mo, ibuwis mo para lang matapos ang requirement na ito.
Pero siguro nga kailangan lang talagang AYUSIN, para bandang huli eh magbunga na ang pinagpaguran mo nang husto [understatement]. Kung willing ka naman talagang matapos ang lahat-lahat, gagawin mo naman lahat-lahat ng makakaya mo para mangyari 'yun at makakuha ka ng magandang resulta.
Sana nga. Ngayon ko na lang uli nagawang magpaka-optimistic nang ganito.
No comments:
Post a Comment