Alam
kong medyo delayed na rin para gamitin ko ang “Bagong Taon” para sa pamagat ng
isang ito. Eh hindi pa naman tapos ang unang buwan ng taong 2012; isa pa,
kaka-umpisa pa lang ng taon sa Chinese lunar calendar―alibis.
Anyway, tara na’t humayo para sa panibago na namang chika.
Mataga
na talagang napagdesisyunan ng nanay ko ang tungkol sa paglipat namin ng
tirahan. Pero, bago lamang nagtapos ang 2011 nang matuloy na ang desisyon na
‘yun. Marami-rami ang mga naging balakid kaso kailangan na talaga naming umalis
doon. Sa dinami-dami ba naman ng mga isyung nagsisulputan sa kahabaan ng
paninirahan namin sa lugar na ‘yun.
Siyempre,
nagdaan muna kami sa paghahanap ng malilipatan namin. May napili na talagang
lugar si Inay, nagtingin-tingin lang muna kami ng space na pwedeng upahan. Buti
na lang at sa mga nalalabing araw ng nagdaang taon, naka-jackpot na rin sila sa
paghahanap. Hindi nagtagal, nakapaghakot na sila ng mga gamit namin.
SILA. Hindi “kami;” SILA, as in ang nanay ko at dalawa sa mga kapatid ko. Sa kasagsagan ng paglilipat nila ng mga gamit, hayun ako’t nasa probinsya para tapusin ang Christmas vacation kasama ang iba ko pang mga kapatid. Nagpresenta akong tumulong sa paglilipat; obviously, tinanggihan ako ng nanay ko. Kaya bandang huli, wala akong special participation sa paghahakot ng mga kagamitan at as usual eh nag-a la babysitter ako para sa mga kapatid ko.
Ni
hindi ko man lang nakita ang bagong titirhan namin bago ako umalis sa dati
naming inuupahan. Ni hindi man lang ako nakapagdaos ng seremonya bago ako
magpaalam sa apartment na tinirhan ko sa loob ng halos apat na taon. Imagine,
nakita ko ang mismong nilipatan namin sa pagbabalik ko galing ng probinsya.
Nung naka-alis ako galing ng Maynila para magbakasyon sa probinsya, galing pa
ako sa dati naming tirahan. Pagbalik na pagbalik ko sa siyudad, iba na nga ang
inuwian ko. Siguro mas magandang imaginine kung pagkabalik ko sa siyudad e iba
na agad ang inuwian kong tirahan tapos sa pinakaunang araw pa ng taon natapat
‘yun. Pwera biro, January 1 ‘yun. Linggo, nung lumuwas ako (palibhasa may pasok
na uli bukas, kaya kailangan nang bumalik agad).
Siguro,
iisipin ninyo, sa pagdating ko sa panibagong tirahan namin, naroon na ang
paninibago, pamamahay at pangangailangan para makapag-adjust. Pwes, correction
factor: ako ay tumatanggi. Walang paninibago; hindi ako namahay kahit
kapiranggot man; wala na ring masyadong adjustment na kailangang pagdaanan pa.
Kasi, for the record, matagal-tagal nang pamilyar sa akin ang lugar na
pinaglipatan namin. Ilang beses na akong nakapagpabalik-balik sa lugar na ‘yun
kapag kailangang sugurin ang padre de pamilya namin; nasa kaparehong gusali ang
tinitirhan niya pero iba pa rin ang inuupahan namin ngayon (THAT’S ANOTHER
ISYU! Toinks!). Minsan na akong nakapagbakasyon doon dati kaya hindi na bago sa
akin ang pasikut-sikot ng lugar na ‘yun. Kaya nga pinili na ng nanay ko na doon
kami lumipat dahil sa libre sa unang tatlong factors na madalas kaakibat ng
paglilipat ng bahay.
Madali
akong nakapagsettle sa bagong tirahan namin. May kataasan nga lang ang sa
ngayon. Kung dati e nasa 3rd floor lang kami at top level na ‘yon; ngayon
naman, nasa 11th floor na kami at nasa kalahati pa lang ‘yun ng gusali ng
tinitirahan namin ngayon. Okay naman din; maganda ang view at ‘yung tipong katulad
lang din ng view sa kinaroroonan namin dati, mas mataas nga lang ang floor.
Kita pa rin ang fireworks display sa MOA kapag weekends; kita pa rin ang
paglubog ng araw at ang buwan sa kabilugan nito; siyempre mas “overlooking” a
la Jose Manalo ang dating ng view ngayon. Kako nga, kapag gabi e parang pamagat
lang din ng kanta ang lagay: “Below us, all the city lights.”
Madalas,
naaalala ko pa rin ang tinirhan namin dati. Himala, hindi man lang ako
napapa-emote nang wagas kapag naaalala ko ito. Kahit ilang beses ko pa itong
isipin; kahit na rumehistro pa sa isipan ko ang detalye ng hitsura nito; kahit
na ipagdikdikan ko pa sa sarili ko na halos apat na taon din akong tumira dito;
wala pa rin. Kung nami-miss ko man ito, siguro katiting lang.
Iniisip
ko, baka panibagong delayed reaction na naman ito at maya-maya pa niyan dadapo
sa akin ang pangungulila sa lugar na ‘yun. Eh, ilang ulit ko na talagang
pinaghahalughog ang kalooban ko para sa pa-emote na ‘yun. Kaso, epic fail
talaga. Wala akong mahagilap na pakiramdam kagaya nung minsang nung dating
nakapaglipat kami ng bahay.
Hindi
ko maiwasang magtaka. Ako ‘yung tipo ng tao na madaling maging nostalgic para
sa mga bagay lalu na’t malapit pa sa puso ko o parte ng buhay ko. Parte naman
ng buhay ko ang tirahan na ‘yun, pero bakit ganun na lang ang naging reaksyon
ko sa pag-alis namin? Dahil diyan, hindi ko naiwasang magkaroon ng mga spekulasyon.
Siguro
#1: May bitterness ako sa lugar na minsang tinirhan namin. Gaya nga ng
nabanggit ko, marami-raming isyung umusbong sa pagtatagal namin doon. Isyung
personal at pampamilya; isyung panlabas gaya ng mga usyuserong kapit-bahay na
nakikimiron sa mga isyung pampamilya namin. Dati na rin akong nakakaisip ng mga
ideya sa pag-alis namin sa apartment na ‘yun at baka may kinalaman din ito sa
kawalan ng pagka-miss ko sa lugar na ‘yun.
At, Siguro
#2: Pakana ito ng basta-bastang pag-alis ko na walang matinong seremonya o
pagmumuni-muni bago makapagpaalam kuno. Mukhang nakatulong ang parteng
‘yun para sa madaliang pagkaget-over ko sa pag-alis namin. Kumbaga, kung aalis
ka sa isang lugar o hihiwalayan mo ang isang tao, mas makakabuti na ‘yung
madalian at nang maka-gorabelz ka na agad. Wala nang patumpik-tumpik pa, kundi
mas mahihirapan ka lang na magpaalam at umalis. Wala nang pagtatagal pa, bago
ka pa dapuan ng pagdadalawang-isip at pagpapalit ng desisyon sa pag-alis. Nang
sa ganon, wala nang emote-emote. Wala nang banat na gaya ng “Masakit sa
kalooban pero kailangan kong lumisan.” Oh, ha, rhyming pa ‘yan.
Masasabi
kong maganda naman ang simulain namin para sa bagong taon at sa bagong tirahan
namin. Mas magaan na ngayon ang loob ko; ‘di gaya ng madalas na dinadaing ko sa
pagtatapos ng nakaraang taon. May mga nagbago pa sa ilang bahagi ng pamumuhay
ko pero palagay ko naman ay mas nakabubuti ito, para sa amin. Bagong taon nga,
bagong bahay, bagong buhay.
***
Sige
na nga. Kung may nami-miss man ako sa dating tirahan namin, katiting lang nga
‘yun. At isa ito sa mga katiting na ‘yun:
Matagal
ko nang ginawa ito at ipinaskil pa nga ito sa kisame namin sa dating inuupahan
namin. Siguro mahigit isang taon na rin ang isang ‘yan. ‘Buti nga at hindi man
lang ‘yan ginalaw o tinanggal ni Red bukod sa dinagdagan ng “final touches” sa
drawing. Nagsilbi na rin nga ‘yan bilang bulletin ng mga gamot na iinumin nila
Red kapag magkakasakit (putol lang ang kuha pero may nakasulat sa ilalim na “Paracetamol
kyeme Cefuroxime chuva”).
| Minsan na lang nga makagawa ng matinong drawing, pagkatapos e mawawala pa. Tsk. |
“Ma,
nasaan na ‘yung drawing ko na Stitch?” kako.
“Ah,
iniwan na yata namin dun, eh.”
Buntong-hininga
na lang si ako. Hayst.
Bukod
sa isang obra-maestra kuno, may iba pa akong nami-miss salugar na dating
kinapirmihan ng pamilya namin. ‘Yung mga palengke, sari-sari stores, bakeries,
grocery stores, mini malls, fast food chains, sakayan ng jeep at LRT―plural forms lahat. ‘Di hamak na mas malapit ang mga ‘yan at mas mura
ang mga mabibili diyan. Pati pala isang branch ng SSS e malapit din dun.
Ngayong naaalala ko na, teggybambam na naman ako kay Inay dahil hanggang ngayon
eh hindi pa rin ako nakakakuha ng SSS ID, nakalipat na kami at lahat.
Ang
pampalubag-loob ko na lang ngayon, dagdag-workout with matching diet program pa
ang paglabas-labas sa bagong tinitirhan namin. Keribelz na keribelz na ang
pag-akyat-baba sa hagdan kahit na ilang palapag pa ‘yan. Anong sabi ng
mamahaling fitness gym at diet programs?
No comments:
Post a Comment