Mahigit limang taon na ang nakararaan magmula nang ipinalabas ang mga tribute episodes na ito ng “Walang Tulugan with Master Showman”. Nang dahil sa tribute, na pinangunahan ni Kuya Germs, kaya nakilala ko si Doña Sisang, ang mga Vera-Perez, at siyempre, ang mga artista ng LVN at Sampaguita. Dito ko rin muling nasilayan si Rogelio dela Rosa, na siyang naging umpisa ng pagkakaloko ko *ehem* sa kanya. Hindi ito ang pinakaunang palabas kung saan ako nakasulyap sa nakaraan ng pinilakang-tabing. Ngunit masasabi kong dito na ganap na nagsimula ang malawakang pagbabalik-tanaw ko sa kapanahunan ng Sampaguita at LVN.
Bukod sa dalawang episodes ng WTWMS, maging sa muling pagpapalabas ng
mga pelikula ng Sampaguita sa “Pinoy Cine Klasika”—na si Kuya Germs din
ang naging host—nitong nakalipas, halos wala na yatang ibang palabas sa
mga lokal na istasyon na nagkaroon ng ganitong uri ng pagbibigay-pugay
sa mga bituin ng tinaguriang “Golden Era” ng Pelikulang Pilipino.
Ngayong naalala ko ang mga 'yan napaisip tuloy ako: kung hindi ba nagsilitawan ang mga pakulong 'yun ni Kuya Germs na mukhang bahagi na ng kanyang adbokasiya, mararating ko pa ba ang puntong ito ngayon?…Ang punto kung saan hindi lang ako basta na-engganyo sa kagandahan ng mga napapanuod ko at nabaliw nang husto kina Rogelio dela Rosa, bagkus ay marami pa akong nadiskubre tungkol sa marikit na pamumuhay ng mga Pilipino noon?
Sa palagay ko, mukhang hindi ko pa ito mararating. Kung narating ko man ‘yun sa kalaunan, malamang ay lubos na nangangapa pa rin ako nito. Hindi gaya ngayong kahit paano, nagiging mas maliwanag ang mga bagay-bagay. At dulot ‘yun ng simulaing minsang naihatid ng Master Showman sa ating mga telebisyon.
Rest in peace, Kuya Germs.

***
Rest in peace, Kuya Germs.
No comments:
Post a Comment