Pages

Monday, May 12, 2008

officially... "kolehiyala"!

parang hindi ata bagay... haha.
anyway, natapos na rin sa pag-eenroll sa wakas!
bale, sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (University of City of Manila) ako papasok ngayong June bilang isang college freshman.

and I was so happy!!

ilang beses ko ngang tinitigan ang schedule ko...
"College na nga ako..."

new life..
new school.. new friends.. new classmates, teachers, lessons.. new schedule (hehehe)..

basta kahit nakakapagod ang lumakad maghapon at ako lang mag-isa ang nag-asikaso ng enrolment ko (feeling independent na talaga!), masaya pa rin nga ako ngayong officially ay college student na ako..
parang kailan lang kasi, saling-pusa lang ako sa SCCES. tapos, elementary student na naging high school girl at ngayon college na nga ako?!

kung hindi makapaniwala ang mga relatives ko ngayong sisimulan ko na ang college life ko, doble nun ang nararamdaman ko..

at the same time, medyo nalulungkot na rin ako.
kasi karamihan sa mga nakasabay ko kanina, may mga kasabay na classmates or friends, basta in groups or in pairs, at walang humpay ang usapan nila kaya hindi sila naiinip habang nakapila at naghihintay. ako naman, as I've said, ako lang mag-isa (pero may kilala na akong iilan sa mga kasabay kong nag-enroll, at minsan may nakakausap nang saglit). ang ginagawa ko na lang para hindi masyadong mainip eh magbasa (ahem, If Tomorrow Comes by Sidney Sheldon, hehehe), buuin ang nakakalas kong Rubik's cube (pinag-iisipan ko kung bibili na ako uli ng bago, mas sosyal) o kaya dutdutin ang cell phone ni Mommy (na pinadala na muna sa akin). medyo nainggit ako sa kanila, sa mga grupo and the scenes I've witnessed reminded me of the times I'm with my friends, my dabarkads...
miss na miss ko na talaga sila, and it made me wonder kung kailan kaya kami uli magkakaroon ng ganung bonding moments...
nalungkot din ako knowing the fact that some or maybe even most of my classmates will enroll or have already enrolled in the same schools... magkikita-kita pa rin sila nang mas madalas, unlike me, na mag-isa lang naka-enroll dito sa siyudad ng Maynila..
but it's okay.
Pampalubag-loob:
this is one great opportunity for me to make more and more friends than before... eh di mas masaya!

I must admit that I am already excited.. just a bit. hehe.
and I'm also a little disappointed. why?
June 2 na nga ang pasukan! mantakin niyo yun! yung mga kapatid ko nga, a-diyes pa, tapos nabalitaan ko sa iba, June16!!

Pampalubag-loob for the last time:
mas mapapaaga ang pagkikita at pagkakaroon ng bagong friends!!

right? or left?! ^___^

No comments: