Pages

Monday, May 5, 2008

Rubik's cube... it's ADDICTIVE..







ito na nga ang latest craze ngayon.
ang RUBIK's CUBE. bow.
actually, this was invented around 25 years ago, if I'm not mistaken... kaya nauuso lang ito uli ngayon. as in SUPER uso na talaga! Hind na nga maipagkakaila yun, kasi, halos kahit saan nga ako magpunta, may mga nakikita akong bumubuo nitong cube na ito eh. O kaya naman, nagbebenta.

Isa na rin ako sa mga nahawahan ng Rubiks' cube fever.. ahyeah.

ganito nagsimula yun:

it was our semestral break. my uncle and his family came over at our house to celebrate All Saints' Day here in the province. at that time, hindi pa talaga masyadong uso ang Rubik's cube sa amin, pero ang panganay na pinsan ko eh addicted na dito... He brought along his own cube, at nakikita ko kung paano niya ito binubuo. ako naman eh na-engganyong pag-aralan kung papano buuin ang lahat ng faces sa cube na 'yun (kasi color by color routine lang ako, yun bang tig-isang face lang? hay nakuuuuu..). kaya nagpaturo ako sa pinsan ko kung papaano yung pattern.

ayun, sinimulan na niya ang pagtuturo. ang akala ko ba, madali lang 'yun?! eh bakit sa lahat ng madali, yun ang hindi ko magets!! ambooot, basta, hindi ma-absorb ng utak ko ang mga sinasabi ng pinsan ko.. HINDI KO MAINTINDIHAN! Tagalog naman ang language namin, pero parang foreign language ang ginagamit ng pinsan ko.

hay naku.
nakaalis ang mga pinsan ko na hindi ko tuluyang natutunan ang pagbuo ng Cube,
pero hindi ko ito tinigilan...

paglipas ng ilang buwan, patuloy kong inalam kung papaano buuin ang Rubik's na ito. pinuntahan ko ang website, kaso nawalan ako ng tiyagang basahin -- word for word-- ang instructions.

wala na rin ang cube ko.. kaya na-interrupt ako for a while.

tapos, nakita ko yung ibang kaklase ko, maybe one fourth of our class, kabisadong kabisado na ang pattern. siyempre na-inggit ako! hehehe, kaya nga nagpaturo ako. kaso, gaya pa rin ng dati, hindi ko magets! anubayun! (Sabi ko naman kasi eh, hindi ako henyo.. hehehe)

it wasn't until I came over in my uncle's house, kung nasaan na rin nakatira ang mga speedcubers kong pinsan (the same), when I finally learned how to solve the Rubik's cube..
bale third layer na lang talaga nun ang hindi ko pa alam.

at sa wakas, after seven months of striving (kuno), nabuo ko na rin ang Rubik's cube (the date was April 25, 2008.. hehehe.. talagang tinandaan ko ang date.. history yun sa life story ko!! ^_______^).

sa ngayon, pinagpapractisan ko na muna kung paano mas maging mabilis.. maybe someday halos sing bilis ko na ang mga pinsan ko.

or maybe even faster! aweeee!!


oh... taray di ba?! (kahit hindi..) ^__^

No comments: