Sa wakas, pagkatapos ng halos isang linggo, nakalabas na rin mula sa ospital si Red (bunsong kapatid/anak-anakan). At sa wakas, pati ako nakalabas na rin. Palibhasa eh parang anino kung makadikit sa akin si Red, kaya na-trap din ako sa San Juan de Dios, at parang pati ako eh na-confine na rin. Siyempre kinailangan kong umabsent sa skul --- tatlong araw lang naman, at hindi ko napasukan lahat ng mga subjects ko. Waaaaaaaahhhhhhhhh! :(( Well, didiskartehan ko na lang ang pagbawi ko next week. *Aja!*
***
Last month na ito ng semester para sa third year ko sa college. Kamusta naman kaniyo ang progress? So far, yet so near. In other words: NEVER MIND! Parang ewan! Sa totoo lang, kung ako ang tatanungin sa scholastic performance ko lately, ang sasabihin ko eh BOKYA. Well, hindi naman tuluyang boplaks. Medyo alanganin lang. LANG? Basta, nakaka-frustrate pa rin talaga itong buhay-PLMayer ko ngayon. Ang alam ko naman binibigay ko ang lahat ng makakaya ko. Seryoso. Kaso, ika nga doon sa kanta, "I did my best, but I guess my best wasn't good enough." Siguro ganito lang talaga kahirap ang mag-aral lalu na sa college pa. Kailangan talaga ng full concentration at tamang time management. As usual. At higit sa lahat, God's grace! Hmmm, mukha talagang nagkukulang ako sa mga yan eh. Hayst.
***
Sabi nila, magaling daw ako. Naniwala naman ang lola ninyo. Tapos nawawala na rin pala ako sa sarili ko. Kasi daw, ang maniwala sa sabi-sabi, nawawala na sa sarili. (Naniwala din naman ako sa sabi-sabing 'yun!) Anu raw? Medyo bangags lang. Wahahaha.
Maghahabol pa ako ng homework para sa Programming, kahit na nung isang araw pa isinubmit yun. Nakakatamad ngang gawin eh. Sana dalawin na ako agad ng sipag kong yon. hahahaha. XD
***
I MISSED BLOGGING!
No comments:
Post a Comment