"Parang ang bagal ng takbo ng oras... Pero mabilis ang paglipas ng panahon."
- TB, 02.24.2009
Ang mga nagsipagtapos mula sa Kolehiyo ng Agham.
Gasgas na gasgas na ngang maituturing ang linyang "parang kelan lang." Subalit, ganoon na rin talaga ang lagay.
![]() |
| Second year pa ako neto. |
Parang kelan lang nga noong inumpisahan ko ang pakikipagsapalaran ko bilang isang mag-aaral ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila. Ngunit, halos limang taon na rin pala ang nakalipas. At eto na ako ngayon, nasa dulo na ng byahe bilang isang PLMayer. Sa loob ng panahong itinagal ko sa Pamantasan: marami ang mga nangyari. Maraming dumating saka lumisan. Marami ang magbago. Higit sa lahat, napakarami ng mga natutunan ko, mapa-leksyon man mula kay Peterson o aral para sa ikakaganda ng buhay. Masasabi kong nalubos ko naman nang maigi ang bawat panahong inilaan ko sa piling ng Pamantasang Mahal.
![]() |
| Graduate na ako!!! |
Nararapat lamang na magpaabot na rin ako ng pasasalamat para sa lahat na naging bahagi ng limang taong yon.
Sa mga kamag-aral ko, lalu na sa mga naging mabubuting kaibigan, maraming salamat sa mga oras na nai-gugol ko kasama kayo, sa loob at sa labas ng paaralan. Salamat sa mga asaran, kulitan at tawanang pinagsaluhan natin, pati na rin sa pag-agapay natin sa isa't isa lalu na sa mga panahong halos mawala tayo sa katinuan para maisalba ang mga marka natin. Salamat sa pagpapakita sa akin ng kariktan ng buhay ng kabataan.
![]() | |||||
| Second year classmates. :) |
![]() |
| Valentine's Day date (Thesis-writing) with the girls at National Library. |
![]() |
| Because we also know how to have some fun. |
![]() |
| Dahil gagraduate na sila, konting celebration muna sa videoke. :) |
![]() |
| Last MathSoc General Assembly! With Leslie, Lala and Renville. |
![]() |
| Kasama sina Leslie at Dhabs, hanggang sa pinakahuli. :) |
![]() |
| Ang BS Math Batch 2013, kasama sina Dr. Ferrer, Prof. Lamprea at Prof. Lagos. |
Sa bawat propesor na naging tagapagturo ng bawat klaseng kinabilangan ko mula sa pinakauna hanggang huling semestre sa Pamantasan, maraming salamat po sa bawat kaalamang ibinahagi ninyo sa mga isipan naming nangangailangan ng dagdag na dunong at lawak. Pagyayamanin ko po nang husto ang lahat ng mga naituro ninyo sapagkat alam kong balang araw, makakatulong din ang mga ito sa pagharap ko sa mundo. Sa mga bumubuo ng Departamento ng Matematika, salamat po sa naging mainit na pagtanggap at pag-aaruga para sa amin, bilang bahagi ng isang pamilya sa loob ng PLM.
![]() |
| Kasama si Prof. Molina (nasa gitna), ang tagapagpatnubay ng MathSoc. |
![]() |
| Kasama si Prof. dela Cruz, ang Dekano ng Kolehiyo ng Agham. |
![]() |
| Solo pic with Dr... I mean, Mrs. Lucas. :) |
Sa mga malalapit na kaibigan at sa aking pamilya, maraming salamat sa bawat uri ng suportang nai-abot ninyo para sa amin, para mai-taguyod ang bawat taon ng pag-aaral ko. Lalung-lalu naman para sa aking ina, salamat sa inspirasyon at sa patuloy na pagsuporta para sa kursong pinili at minahal ko nang lubusan. Sana ngayon, masulit na nang husto ang lahat ng pagkayod na Inangbayan para marating ko na ang puntong ito.
![]() |
| Kasama si Inang Bayan. Sa wakas. :D |
Taos-pusong pasasalamat din para sa Poong Maykapal, dahil ipinagkaloob na rin Niya itong napakalaking biyayang pinaka-inaasam na dumating sa buhay ng isang estudyante.
![]() |
| "MATH!" |
Sadyang naging napaka-kulay ng mga taon ko bilang isang mag-aaral. Ligaya sa aking puso ang karugtong ng bawat pagbabalik-tanaw sa mga alaalang inihatid sa akin ng Pamantasan. Ngayon, handa na akong magpatuloy sa pagharap sa panibagong yugtong aking tatahakin. Naniniwala akong kakayanin ko ito, dahil na rin sa bawat tulong na naiparating ninyong lahat para makamit ko ang tagumpay na ito.
Muli, maraming-maraming salamat po! Ad majorem Dei gloriam!
(Credits kina Leslie Penaranda at Rodney Barbosa sa ibang mga litrato. :) )


















No comments:
Post a Comment