Pages

Wednesday, October 9, 2013

May Chance?

Taong 2003. Onse anyos pa lang ako noon; nasa huling taon ko na sa elementarya. Dahil nagpupumlit akong gumawa ng feature article (training kasi namin para sa Campus Journalism), napaisip ako tungkol sa gawa-gawa kong topic: ang mga advantages at disadvantages ng technology sa buhay ng tao.

Sa pagpiga ko ng utak ko, naka-isang ideya naman ako para sa disadvantage. 'Yun ay puwede itong magamit para makapanira o makapanloko ng ibang tao.

'Di ko na maalala kung saan ko ba napulot 'yun—sa mga chika ni Inooooy, sa mga balitang nauulinigan ko, o dala na ng maagang mga senyales ng pagiging wirdo at paranoid ko. Basta, magmula rin noon e naniniwala na ako sa ideya ng disadvantage na 'yun.

Samantala, eto na tayo ngayon, pagkalipas ng isang dekada. (Need I say more?)

Palagay ninyo, pwede na ba akong magtayo ng sarili kong puwesto sa Quiapo?

[Hahalughugin ko muna sa archives ko 'yung candid shot nung nagte-train kami para sa Campus Journ. lol]

No comments: