Pages

Sunday, December 15, 2013

One Step at a Time

Minsan, hindi ko maiwasang maramdaman na parang napapag-iwanan na yata ako.

Isa-isa kong nakikita ang mga ka-edad ko na umuusad sa estado nila sa buhay. May mga matatalik akong kaibigan na CPA, engineer at nasa pâtisseriena sa isang sikat na hotel. 'Yung mga kaibigan at ka-batch ko, nurse na, malapit nang maging doktor, o kaya writer na sa TV networks. At iba pa.

Samantalang ako?

Eto, nasa bahay. Nagpapaganda. Nagmamaganda. Naghihintay na may iba pang papansin sa "pagmamaganda" kong 'yun.

Sa ngayon, ang tanging maipagmamalaki ko lang ay graduate na ako ng BS Math sa PLM. Pwede namang ipagmalaki 'yun, 'di ba?

But don't get me wrong. May mga ambisyon din naman ako sa buhay. Marami. Pangarap ko rin namang makapag-aral uli sa isang kilalang unibersidad. Binabalak ko ring makapag-LET at maging tituladong guro. At iba pa (ambitious frog itey!).

Nagkataon lang na hindi ko muna magagawa ang mga 'yun... sa ngayon. Nagkataon lang din siguro na mas nauna sila kaysa akin.

Pero keri lang. Bata pa naman ako para sa mga career-career na 'yan. Marami pa akong panahon sa buhay ko para abutin ang mga sarili kong mithiin. Ayoko namang maging masyadong kampante, pero alam kong hindi naman ako dapat magmadali at magpa-pressure sa mga nakikita kong progreso ng mga taong nasa paligid ko. Not just because I am not like them doesn't mean I am less of the person that I have become. Sila 'yan, ako ito. Case-to-case basis tayo, ika nga. Ganoon ang plano ng Diyos sa mga pangarap nila sa buhay. Sa lagay ko, mukhang iba pa ang plano ni Lord.

Kering-keri lang, gaya nga ng nasabi ko. Masaya naman ako sa buhay ko kahit paano, at 'yon ang mas importante.

Naniniwala rin naman akong darating din ako sa puntong 'yan. Hindi lang talaga sa ngayon (unli?). Kung gugustuhin ko naman talaga na maisakatuparan ko ang mga gusto kong tuparin, marami-raming paraan para makarating ako doon. Hinay-hinay lang din habang may time pa. Sabi nga sa isang kanta ni Jordin Sparks, "One step at a time."

No comments: